Piolo Pascual, gasgas ang mukha

Piolo Pascual, gasgas ang mukha

Piolo-PascualHABANG ABALA ang sambayanan sa pagmo-monitor ng mga kaganapan sa Senado sa Senate hearing tungkol sa mga alegasyon kay Vice Mayor Jejomar Binay, ang hindi natin alam ay nadisgrasya na pala ang isa sa may pinakamaganda, pinakaguwapong mukha sa showbiz na si Piolo Pascual.

Sa set ng TVC shooting ni Papa P para sa ABS-CBN Mobile, nadisgrasya siya habang sakay ng bisikleta. Sa photo posting niya sa kanyang Instagram account na @piolo_pascual na lang namin nakita nang mag-log-in kami sa aming account na @rkvillacorta.

Sa ipinost ni Papa P, ang daming gasgas sa kanyang mukha. Sugat sa pisngi at sa bandang ibaba ng kanyang bibig. Sa katunayan, may dalawang daliri siya sa kamay na naka-benta na ayon sa mga doctor na nag-asikaso kay Papa P, malayo sa bituka ang naganap na aksidente.

Sa IG niya, nakangiti pa ang aktor na kahit puno ng galos ang mukha at may benda ang kamay, guwapo pa rin ang aktor na nakangiti.

While looking at the photo of Papa P and with his new hair cut, tipong Brad Pitt ang peg ng aktor na aminin n’yo man o hindi ay siya ang nasa top 3 na may pinakaguwapong mukha sa showbiz.

Ewan ko lang kung dito sa ‘Pinas ay uso ang mga “body parts” (‘yun yata ang tawag) insurance kung saan sa Hollywood ay naka-insure ng kung ilang milyones ang isang parte ng katawan ng Hollywood celebrity.

Si Angelina Jolie, naka-insure ang kanyang pouting lips. Si Tina Turner of the famous “Private Dancer” song, naka-insure naman ang kanyang mga legs na super sexy.

Kung merong ganitong klase ng insurance sa ‘Pinas, dapat si Papa P, ipa-insure na niya ang kanyang mukha at ang kanyang kabuunan para kung sakali man na madisgrasya muli, at least kampante siya na tuloy pa rin ang ligaya.

Last Saturday, magkasama sina Papa P. at ang anak na si Iñigo Pascual. Bonding time lang ng mag-ama na ayon sa anak, gumagaling na ang mga sugat ng kanyang ama. Tawag nga ng anak kay Papa P ay “Scarface” at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagdasal for his dad’s fast recovery.

Kung maaalala pa, huling nadisgrasya ang aktor sa bisikleta rin noong 2012 noong nasa Baguio ang aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta