Piolo Pascual, ‘di rin napigilang pumatol sa ‘basher’

ADVERTISING

Piolo Pascual, ‘di rin napigilang pumatol sa ‘basher’

Piolo Pascual, ‘di rin napigilang pumatol sa ‘basher’SA SUNPIOLOGY Run presscon, kung saan gaganapin ang nasabing event sa darating na Nov. 24 sa Mckinley Hill sa The Fort at magkakaroon ng libreng concert mula sa mga Star Magic talents ay sinagot lahat ni Piolo Pascual ang lahat ng issues sa kanya.

Una na ay ang pagbabati nila ni Judy Ann Santos na nangyari raw sa nakaraang trade launch ng mga bagong shows na sisimulan ng ABS-CBN. Ayon sa aktor, nagbigay-pugay lang siya sa da-ting kapareha at nailang siya na may kamera nang kumukuha sa kanila. Kinuwento sa amin ni Piolo na noon pa naman ay wala na silang problema ng aktres at naayos na niya kung anuman ang naging problema niya rito at kay Ryan mismo.

Nang tanungin namin kung handa ba siyang makipagtrabaho muli kay Judy Ann, kung saan isa ang tambalan nila sa pinakamainit na tinanggap ng publiko, um-oo agad sa amin ang aktor at sinabing malaki ang utang na loob niya sa dating kapareha at sa tambalan nila sa kung anuman ang narating niya sa showbizness.

Nahingan din namin ng reaksyon sa pagkakaroon daw ng bagong boyfriend ni KC Concepcion, nagpahayag ng kasiyahan si Piolo kung saan para sa kanya ay magiging masaya siya kung saan magiging masaya ang ex-girlfriend. Tungkol naman sa mga pasaring daw ni Sharon Cuneta sa kanya sa mga tweets nito, inamin ni Piolo na hindi na siya nagbabasa at kung may nagpaparating sa kanya ay hindi na niya ito inaalam.

ADVERTISING

Ayon kay Piolo, ayaw niyang magalit o magtanim ng galit sa kahit na sino lalo’t hindi biro ang mga masasakit na mga salita sa kanya ng ina ng dating kasintahan, kung saan halata naman daw sa mga maanghang na salita na binibitawan nito kung sino ang pinatutungkulan.

May facebook accout, pero walang twitter account dahil sa mga bashers dito na madalas ay below the belt ang mga binibitawang salita sa isang artista, naging bukas si Piolo na mayroon siyang text basher na hindi na niya idinetalye ang mga mensahe pero ‘di niya napigilang patulan ito. Nagsabi ito kay Piolo na hindi siya kaaway ng aktor pero kakampi, ang binalik na mensahe dito ng aktor ay bakit ito umeepal, magkita na lang sila, magsuntukan at magsukatan sila ng pagkalalaki.

Naiintindihan namin ang pinaggalingan ni Piolo dahil ‘di biro-biro ang mga masasakit na paratang, pangungutya at panghuhusga na pinagdaanan ng aktor. Dahil kung ibang artista ang dumaan sa kung anuman ang pinagdaanan niya, malamang ay umalis na lang ito sa showbizness at namuhay bilang isang ordinaryong tao na lang na malayo sa mga intriga at kontro-bersiya.

Piolo Pascual, ‘di rin napigilang pumatol sa ‘basher’

NAKAUSAP SA presscon ng Tiktik: The Aswang Chronicles si LJ Reyes na gumaganap na aswang sa istorya tungkol sa usap-usapan na hiwalay na sila ni Paulo Avellno. Nakadagdag sa balita ang hindi pagsipot ng aktor sa nakaraang Cosmopolitan kung saan isa siya sa centerfold pero hindi ito dumalo para rumampa. Inakala ng iba na paraan ito ng pag-iwas ng aktor para hindi raw matanong tungkol sa kumakalat na balita sa kanila ng ina ng anak.

Iwas at matipid ang sagot ni LJ na maayos naman ang lahat sa kanila ni Paulo, pero kitang-kita na ayaw na itong pag-usapan pa ng aktres. Pinaliwanag naman ni LJ na ayaw nilang naha-hype ang relasyon nila ng live-in partner lalo’t gusto nila itong gawing pribado. Positibo naman ang resulta ng ginagawa ng dalawa dahil maganda ang tinatakbo ng career ni Paulo sa ABS-CBN, samantalang may sarili ring identity si LJ bilang isang aktres.

Pinagmalaki ni LJ na sarili niyang stunts ang mga ginawa niya sa TikTik. Bilib na bilib sa kanya si Direk Erik Matti dahil hindi sila nahirapan sa aktres pagdating sa ganitong mga bagay na hindi biro-biro ang ginawa para sa nasabing pelikula.

Ang Tiktik, The Asawang Chronicles ay mapapanood sa darating na Oct. 17 sa mga paborito nating mga sinehan, sulit ang 70 million na nagastos sa pelikula dahil ang kakaiba nitong special effects ay patunay lang daw na kaya nating gumawa ng mga pelikula na hindi nalalayo sa Holywood kung special effects ang pag-uusapan.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING