Piolo Pascual, ‘di ipinagdamot sa anak na si Iñigo ang pag-aartista

ADVERTISING

Piolo Pascual, ‘di ipinagdamot sa anak na si Iñigo ang pag-aartista

Piolo-Pascual-Inigo-PascualHINDI NAMAN kasi madamot si Piolo Pascual para ipagdamot sa kanyang anak na si Iñigo Pascual ang maranasan din kung ano ba ang meron sa showbiz kapag siya ay naging artista. Kaya nga, hindi na napigilan, dahil ang bagets ay mapapanood na sa pelikulang “Relax… It’s Just Pag-ibig”.

Marami na ring ipinaliwanag si Piolo sa kanyang anak bago tuluyang pumasok ang bagets sa showbiz, kung ano ang kanyang puwedeng maranasan.

Dahil nga bata pa si Iñigo, nakahanda naman siyang maranasan bilang mga pagsubok sa pagiging baguhan ng isang artista ang anumang puwedeng mangyari. Nakita raw kasi ni Piolo ang determinasyon sa parte ng kanyang anak, kaya wala na ring nagawa ang guwapong actor, kundi gabayan na lang ang kanyang anak sa mga dapat nitong gawin habang nagsisimula sa kanyang showbiz career.

Hindi naman kaagad sumikat si Piolo nu’ng unang sabak niya sa pag-aartista. Ilang taon din ang kanyang pinaghirapan bago siya tuluyang napansin hanggang sa maging matinee idol.

ADVERTISING

Isa sa mabigat na pagsubok na pagdaraanan ni Iñigo ay ang laging maikumpara sa kanyang daddy, dahil bukod sa napakaguwapo ng kanyang daddy ay isa si Piolo sa pinakaguwapong actor ng showbiz na hinahangaan talaga maging ng kapwa niya mga artista. Sa totoo lang, huh?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING