Piolo Pascual, ‘di inilalagay sa utak ang pagiging ultimate leading man

Piolo Pascual, 'di inilalagay sa utak ang pagiging ultimate leading man

Piolo Pascual
Piolo Pascual

Sa totoo lang, iba pa rin talaga ang dating ni Piolo Pascual. Lahat ng aktres ay gusto siyang makatrabaho. Siya rin ang itinuturing na ultimate leading man and heartthrob hanggang ngayon sa showbiz.

Ano naman kaya ang reaksyon niya rito?

“Trabaho lang naman sa akin ito, eh. You know, seriously, honestly, parang for me ‘pag nilagay ko sa utak ko ‘yon, baka lumaki lang ang ulo ko.

“As long as I know I’m doing my job… Yeah, puwede namang sabihin na, oo nasa pedestal ka, ikaw ‘yan, pero bottom line, at the end of the day, these are all just compliments. ‘Pag dinibdib mo, baka yumabang ka pa,” paliwanag ng bida sa pelikulang “Love Me Tomorrow”.

Dagdag pa niya, “So parang for me, salamat pero I’m just doing my job. Basta ang trabaho ko lang is to present myself accordingly and not to waste my life.

“Kasi, kumbaga, ikaw ‘yung produkto mo, eh. Kung ano man ‘yung ipini-present mo, ‘yung ibinibigay mo sa audience mo, ‘yun ang ite-take nila.”

Very nice attitude. Kaya naman hanggang ngayon, nag-iisa pa rin si Papa P., huh!

La Boka
by Leo Bukas