Piolo Pascual, ‘di apektado sa isyung ‘di tunay na anak si Iñigo Pascual

Piolo Pascual, ‘di apektado sa isyung ‘di tunay na anak si Iñigo Pascual

Piolo-PascualHINDI NA apektado si Piolo Pascual sa isyung hindi raw niya tunay na anak si Iñigo.

May lumabas na naman kasing isyu na hindi tunay na anak ni Piolo si Iñigo. Ang kapatid na babae ng actor ang tunay raw na magulang ng binata.

“I’ve been dealing with it more than 10 years, ngayon pa ba? Papatulan ko pa ba ‘yang mga ganoon, eh, umabot na nga sa kung anu-anong isyu? Hindi na. Okey naman, we’re good,” say ni Piolo.

Masaya at natutuwa naman si Piolo na very positive na bata si Iñigo at hindi raw naaapektuhan ng ganoong intriga.

“He’s very positive. Alam naman niya na kasi na may mga tao talaga na may magtatanong. May mga tao na magsasabi ng ganoon, ganyan. And what’s important is what we have. So, okey naman ‘yung bata. Hindi siya showbiz at hindi rin siya naniniwala o nakikinig sa ibang mga tao,” say pa ni Piolo.

Samantalang hindi makumpirma ni Piolo kung matutuloy pa ang pelikulang pagsasamahan nila ni Sarah Geronimo.

Ayon kay Papa P, as of now raw ay tila malabo nang matuloy ang movie nila ni Sarah, at nanghihinayang siya kung hindi raw ito matutuloy, dahil gusto niyang makasama si Sarah sa movie.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo