Piolo Pascual, bukod-tanging nagsabi na ‘di raw bet ang blonde hair ni Angel Aquino

KUNG ANG ilan sa mga kasamahan ni Angel Aquino sa Apoy sa Dagat ay nagandahan sa kanyang blonde hair sa mga huling eksena bago ito magtapos, bukod tangi raw na nagsabi si Piolo Pascual na hindi nito bet ang gano’ng kulay ng buhok para sa kasamahang artista.

Although kaya lang naman daw nagpa-blonde ang aktres ay para raw sa pagtatapos nga ng kanilang teleserye para siguro mas may dating ang kanyang character. At we heard, para rin sa isa niyang bagong project na kasalukuyang ginagawa.

At least, naging honest enough si Papa P na sabihin kay Angel mismo na ‘di niya type ang blonde hair para sa aktres.

Pero naalala namin na minsan na ring nagpa-blonde ng buhok niya noon ang aktor para sa isa ring proyekto.

Franz 2 U
by Francis Simeon

Previous articleTatay ni Jose Manalo, namatay na sa sakit na Cancer
Next articleMga coaches sa The Voice PH, ‘di nagpapalit ng damit!

No posts to display