Piolo Pascual, binati si KC Concepcion nang magkita sa backstage ng ASAP

ADVERTISING

Piolo Pascual, binati si KC Concepcion nang magkita sa backstage ng ASAP

KC-Concepcion-Piolo-PascualNAGING ISANG malaking isyu ang tungkol sa biglaang hiwalayan nina Piolo Pascual at dating girlfriend na si KC Concepcion noon. Sa katunayan, sa split-up nila, hindi naging malinaw ang kadahilanan kung bakit sila nag-break.

Ang daming kuro-kuro. Ang daming mga opinion mula sa ibang mga tao sa naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Naalala ko noon na ang break-up nina Papa P at KC ay isang malaking balita. Lalo na nang mag-open up si KC ng kanyang kaloob-looban sa isang interview sa The Buzz noon na puro pahapyaw pa rin at walang sinasabing dahilan na naglikha lang tuloy ng mas malaking sunog at haka-haka sa totoong dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Sabi ng aktor, magkaibigan pa rin daw sila ng ex-girlfriend niya. “More than civil,” ang deskripsyon niya sa “friendship” nilang dalawa ngayon. Sa katunayan, sa ASAP show last Sunday, nagkita silang dalawa.

ADVERTISING

Sa liit ba naman ng studio na pinagtatanghalan ng Kapamilya Sunday noontime variety show, hindi maiiwasan na hindi sila magkakasalubong sa backstage.

Kuwento nga ng aktor, sa dami ng mga magagandang pinagsamahan nila noon at sa tagal ng pinagsamahan nila, hindi naman ‘yun dali-daling mabubura.

Pakiwari ni Papa P, “Kailangan lang namin ng oras. When I saw her (last Sunday, February 15), I greeted her. Wala namang problema,” pahayag ng aktor.

Kung saan hahantong ang development na ito sa “deadma” relationship ni KC kay Piolo mula nang ma-split silang dalawa ay abangan na lang natin?

Ngayon na may magandang kuwento na si Piolo tungkol sa ex-girlfriend niya, manunumbalik pa rin kaya ang closeness ng dalawa kahit as friends na lang the fact na si KC ay masaya na sa piling ni Paulo Avelino?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING