Piolo Pascual, binabastos ng Dos?

ADVERTISING

Piolo Pascual, binabastos ng Dos?

Piolo-PascualANG DAMING nag-react nang malaman nilang hindi sa primetime ang soap na pagbibidahan nina Iza Calzado at Piolo Pascual. Ang chika kasi, magiging pre-programming ng TV Patrol ang teleserye ni Piolo. That means na hindi ito talaga primetime, something na hindi katanggap-tanggap sa fans niya.

Ang dahilan daw nito ay gustong makuha ng Dos ang viewership ng mga bagets. Target nila ang mga kabataan para sa show nila. Pero hindi naniniwala ang fans ni Piolo rito. Parang demotion daw ang nangyari sa kanilang idol.

Kumita ang last movie ni Piolo kasama si Toni Gonzaga. Talagang tumabo ito sa takilya kaya naman nagwawala ang fans ni Piolo dahil wala na sa primetime ang kanilang idolo.

Binabastos ba ng Dos si Piolo?

ADVERTISING

 

ANG ELEVATOR Girl na si Cheridel ang bagong housemate ni Kuya. Siya ang pumalit sa hindi nagmarkang si Alex Gonzaga. Palaisipan sa mga viewers ng show kung si Cheridel ba’y isang official housemate o isang house guest.

Sa pagpasok ni Cheridel ay marami ang bumatikos sa reality show na ito ng Dos. As usual, ang claim nila ay super scripted ito.

“Scripted n tlaga ang pbb.hnd magandang panuorin,” one guy commented.

“pumila ba siya? unfair sa mga nag-audition,” sabi naman ng isang kumukuwestyon sa pagpasok ni Elevator Girl sa Bahay ni Kuya.

“Parang unfair nman sa ibang housemates,” paniwala naman ng isa pa.

Siguro kaya kinuha si Elevator Girl ay para magkaroon na ng sense ang show. Puro kasi magaganda at pogi at rich ang kinuha ng Dos para maging housemates sa bahay ni Kuya kaya naman boring ang nangyari. Walang dating ang show at hindi nagre-rate kaya nababahala na yata ang Dos dahil nagmukhang walang kuwenta ang kanilang show.

Idagdag pa ritong nagkaroon ng nega image ang show nang magbigay ng nude challenge si Kuya. Tama nga naman bang i-challenge mong mag-nude painting ang mga female housemates tapos ang palusot n’yo ay tinetesting n’yo lang ang values na nakalakihan ng mga housemates. Ay, naku, mahilig talagang magpakontrobersiyal ang show na ito. Parang desperate na desperate sila para magkaroon ng mataas na rating.

Kung matapang-tapang lang ang dalawang housemates ay sana’t idinemanda nila ang show dahil sa bastos na task na pinagagawa sa kanila.

Ang MTRCB naman ay tila powerless kahit na nag-sorry na ang pamunuan ng Bahay ni Kuya sa televiewers. Dapat diyan ay kinastigo nila ang show, dapat i-off the air ang programa ayon nga kay Senator Grace Poe.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING