Piolo Pascual, ayaw nang karelasyon ang taga-showbiz

PIOLO PASCUAL was recently spotted in the press conference of a fundraising event he organized. Hindi siyempre siya nakaiwas sa mga katanungan ng mga press na um-attend sa event.

Una na rito ang pagkikita nila ni Judy Ann Santos sa trade event ng ABS-CBN. He denied the issue na kaya lang sila nagbatian ay dahil may mga kamerang nakatutok sa kanila. Hindi raw sila naging magkaaway ni Juday at sa katunayan, he wants to do another project with her.

“I’ve always been open and Juday knows that. I’m praying and wishing na magkatrabaho ulit kami kasi ang laki naman ng itinulong sa akin ni Juday. Siya iyong gusto kong makasama.”

Nagbigay rin siya ng pahayag tungkol sa muling pakikipag-date ngayon ni KC Concepcion. Piolo said he wishes her well. Kung masaya raw si KC ay masaya rin siya. Is he now ready to enter into a new relationship since KC has moved on? “Ayaw ko na sana. Masaya na ako sa ngayon, whatever I have. But when the time comes, gusto ko hindi muna showbiz.”

Nagkaroon daw sila ng kasunduan ng kanyang anak na si Iñigo that he’ll settle down when Iñigo turns 18 years old.

Matagal na sa industriya si Piolo pero hanggang ngayon ay matipid pa rin siyang magkuwento pagdating sa kanyang personal na buhay at tahimik sa mga intrigang ibinabato sa kanya. Paliwanag niya, “I’ve been in the business long enough to say that this is me. Wala naman akong tinatago. Ito lang talaga ako. Whatever I can offer, whatever I can give, iyon na iyon. Mahal ko trabaho ko, mahal ko iyong tao, mahal ko iyong press. Showbiz tayo. Lahat naman entitled sa kanilang opinions.”

Since Piolo is a public figure who is vulnerable to criticisms and rude comments thrown at him, he is careful in joining various social media sites. “May Instagram ako, may Facebook ako. Twitter kasi can be mean, eh.” He is aware that he is being bashed online. Minsan daw bino-block at nire-report niya ito. Pero may mga pagkakataon din naman na hindi niya pinalalagpas ang mga sumusobra sa paninira gaya nang hamunin niya ang isang basher na magsukatan sila ng pagkalalaki.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleCristine Reyes, itinanggi ang paratang ni Ara Mina
Next articleMarian Rivera, tiniyak na walang intriga sa bagong serye

No posts to display