Piolo Pascual at Yen Santos, sa ibabaw ng snow ang isang love scene sa pelikula

ADVERTISING

Piolo Pascual at Yen Santos, sa ibabaw ng snow ang isang love scene sa pelikula

Yen Santos at Piolo Pascual
Yen Santos at Piolo Pascual

Bongga at nakuhanan na rin sa wakas ang dalawang love scenes nina Piolo Pascual at Yen Santos, ayon sa pagbabalita sa amin ng supervising producer ng pelikulang “Once In A Lifetime” ng Regal Films, kung saan nag-shooting pa sila sa New Zealand.

Ang pelikula ay sa direksyon ni Dondon Santos.

Pahapyaw na naikuwento ni Manny Valera na ang isang love scene nina Papa P. at Yen ay kinuhanan sa ibabaw ng snow sa napakalamig na New Zealand, na during thier shooting ay winter season pa sa naturang bansa.

Bukod sa “snow” love scene ng dalawa, mas passionate at mas “mainit” diumano pangalawang love scene nila na rito na sa Manila kinuhanan. Ngayong tapos na ang pelikula na unang tambalan nina Piolo at Yen, anytime ay mag-a-announce na lang sina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde ng playdate para sa pelikula.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING