Piolo Pascual at Shaina Magdayao, totohanan na ang relasyon

ADVERTISING

Piolo Pascual at Shaina Magdayao, totohanan na ang relasyon

Piolo-Pascual-Shaina-MagdayaoKUNG TOTOO nga ang balitang nauwi na sa totohanang relasyon ang matagal na nababalitang pagkakamabutihan daw nila Piolo Pascual at Shaina Magdayao, masaya kami para sa dalawa lalo’t alam naming naging mahirap at masalimuot ang mga pinagdaanan nilang relasyon.

Bukas na aklat kung gaano nasaktan si Shaina sa break-up nila ni John Lloyd at kung gaano niya ininda ang kinauwian ng kanilang relasyon. Alam din ng lahat kung paano pinukol ng kung anu-anong mga intriga si Piolo nang maghiwalay sila ni KC Concepcion na matapang at matatag na hinarap naman ng aktor kahit below the belt na ang tira sa kanya ng maraming tao.

Para sa amin, deserving na maging masaya ang dalawan sa kanilang buhay pag-ibig at kung nakita nila sa isa’t isa ang taong magpapatibok muli sa kanilang mga puso, wala kaming nakikitang masama rito lalo’t parehong malaya naman sina Piolo at Shaina.

Kamakailan nga, lumabas ang kuha ng mga larawan ng dalawa na magkahawak-kamay, kung saan kita kung paano inaalalayan ng aktor si Shaina sa nakaraang ASAP na ginanap sa Marikina Sports Complex para sa 60th Anniversary ng Kapamilya Network.

ADVERTISING

Sa kabila ng pagiging iwas nina Piolo at Shaina sa tuwing tatanungin kung sila na ba talagang dalawa, kitang-kita naman daw sa lumabas na mga larawan na mukhang natagpuan na nila Piolo at Shaina ang inspirasyon sa isa’t isa.

Piolo-Pascual-Shaina-Magdayao

SA PRESSCON ng I Dare You na nasimulan nang mapanood nu’ng nakaraang October 12 pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, tuwing Sabado ng gabi sa Kapamilya Network, aminado si Robi Domingo na nu’ng manakawan siya ng mga importanteng gamit sa kanyang sasakyan noong Oct. 8 sa Sct. Rallos, kung saan may dinaluhan siyang event ay nakaramdam siya ng sobrang galit sa magnanakaw.

Malaking tulong ang naging payo sa kanya ng kasintahang si Gretchen Ho kung bakit napayapa ang kanyang kalooban at madaling natanggap ang nangyari. Pinaliwanagan siya ng kasintahan at kilala ring isa sa mahusay na varsity ng La Salle sa larong volleyball na tingnan na lang ang nangyari bilang blessing in disguise, kung saan ‘di siya natutukan ng baril o patalim at nasaktan. At isipin na lang niya na baka nangangailngan talaga ng pera ang gumawa nito.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring lead kung sino ang nagnakaw sa sasakyan ni Robi. Positibo na rin ang pananaw ng TV host na dapat ay mag-move on na siya sa nangyari.

Isa sa host ng I Dare You Season 2, kung saan makakasama sina John Prats, Denise Aguilar at Melai Cantiveros, marami ang nakapapansin na pinu-push ng ABS-CBN si Robi bilang isa sa mga host sa ngayon ng nasabing network. Epektibo rin ang pareha nila ni Alex Gonzaga bilang co-hosts na nakitaan ng chemistry sa The Voice of The Philippines.

Ayon kay Robi, gamay na nila ni Alex ang isa’t isa, kung saan alam nito kapag nangangapa siya ng sasabihin at alam nito kung paano siya sasaluhin.

Sa kabila ng pagiging isang host, ‘di pa rin nawawala kay Robi ang pangarap nito na ituloy ang pagiging isang doktor, kung saan opthalmology ang gusto niyang i-specialize ‘pag tumuloy siya ng medisina. Praktikal ang rason ni Robi na gusto niyang ipagpatuloy ang business ng kanilang pamilya sa Bacolod, kung saan kilala ang Eusebio sa eye clinic.

Natawa lang kami sa sinabi ni Robi na dati pala ay gusto niyang maging ob-gyne ng mga artista. Kung may Dra. Vicki Belo na pinasasalamatn ang mga artista pagdating sa pagpapaganda, para kay Robi ay gusto naman niyang may Dr. Robi Domingo na pasasalamatan naman ng ating mga babaeng artista pagdating sa mga personal na problema ng mga ito bilang isang babae.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING