Piolo Pascual at Shaina Magdayao, madalas mag-date?!

ADVERTISING

Piolo Pascual at Shaina Magdayao, madalas mag-date?!

Piolo Pascual at Shaina Magdayao, madalas mag-date?!

ADVERTISING

MAY ISANG reliable source ang nagsabi sa amin na madalas daw nakikitang lumalabas sa ngayon sila Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

Tatlong beses na raw nakitang magkasama ang dalawa sa isang resto-bar sa Greenhills, kung saan may mga kasama naman daw itong mga kaibigan. Sa Instagram naman, may nag-post ng picture na magkasama ang dalawa at ang pamilya ng aktor sa isang videoke bar.

Nagsimulang ma-link ang dalawa nang lumabas sa Instagram ang mga pictures nila na magkasama Piolo Pascual at Shaina Magdayao, madalas mag-date?!si-lang gumimik nang mag-show ang ASAP sa Singapore nu’ng nakaraang taon. Namatay paunti-unti ang issue, at nga-yong nakikita silang magkasama ay tiyak na mabubuhay na naman ang pag-uugnay sa dalawa.

ADVERTISING

Kung tutuusin, wala namang magiging problema dahil parehong malaya sina Piolo at Shaina. Consistent ang aktres sa pagsasabing sa ngayon ay ine-enjoy niya ang pagiging single, pero ‘di siya nagsasarado ng pinto sa tawag ng pag-ibig. Si Piolo naman, pagkatapos ng relasyon niya kay KC Concepcion, ‘di na nabalita na nagkaroon ng girlfriend.

May mga ilang nag-iisip na baka parte ng promo ng pelikulang On The Job, kung saan magkapareha sina Piolo at Shaina, pero kilala namin ang dalawa na hindi mahilig gumawa ng gimik para lang mapag-usapan kung mayroon man silang pelikula o serye na ipalalabas.

Isa pa ay mukhang pribado ang mga labas nilang dalawa, pero hindi maiiwasan na may ilang mga tao na nakakikita rin sa kanila.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING