Piolo Pascual at Sarah Geronimo, passionate daw ang kissing scene sa pelikula

Piolo Pascual at Sarah Geronimo, passionate daw ang kissing scene sa pelikula

Sarah-Geronimo-Piolo-PascualSA PRESS launch ng pelikulang The Breakup Playlist, kung saan bida sina Piolo Pascual at Sarah Geronimo, tinititigan namin si Papa P. Ewan ko kung nahuhuli niya ang mga panakaw naming tingin sa kanya. Guwapo kasi. All angles, ‘ika nga. Wala kang itatapon. From left to right, swak na swak ang kaguwapuhan niya para lahat ng mga artistang babae ay gusto siyang makasama sa pelikula. Marami nga ang inggit kay Sarah.

Maging si Sarah pala, bago pa man natuloy ang project nilang ito under Direk Dan Villegas (boyfriend ng writer-director na si Antoinette Jadaone), super crush din ang aktor. Aminado ang Pop Princess na noong una, tensiyonada siya kapag katabi niya si Papa P na namamawis siya noong una.

‘Di nga ba’t kapag type mo ang isang tao, hindi mo pa naitatawid ang mensahe mo kadalasan sa hindi, nadidiyahe ka at conscious? Nang uriratin ang tungkol sa kontrobersiyal na kissing scene nina Piolo at Sarah sa pelikula, not even the Pop Princes at si Papa P ay ayaw i-confirm nor i-deny ang eksena na hinihintay ng mga fans nila.

Kung ano ang kahihinatnan ng “kissing scene” ng dalawa, sabi ni Direk Dan ay abangan daw natin sa pelikula na palabas na sa July 1. Makasasama ng dalawa sina Jet Pangan, Teddy Corpuz, Maris Racal, and Dennis Padilla.

Pero ang balita na nakarating sa amin, yes may kissing scene ang dalawa. This time not the usual Sarah na very light lang ang kiss na mangyayari. From an insider, isang very passionate kissing scene ang mapapanood ng fans na hindi pa nagawa ni Sarah sa kanyang mga pelikula. “Tipong kissing scene nila ni Matteo in real life na hindi pang-showbiz ang eksena nila ni Piolo,” kuwento ng source namin.

Reyted K
By RK VillaCorta