Piolo Pascual at KC Concepcion, nagkabalikan na?!

NANG MAWALA sa eksena si Jolo Revilla sa My Binondo Girl nang isang linggo dahil nagkasakit ito, nag-shine ang character ni Xian Lim bilang girlfriend na ngayon ni Kim Chiu. Nawala tuloy ang magic nina Jolo at Kim sa isa’t isa. Naging sentro na tuloy ang pag-iibigan nina Xian at Kim. Halata mong bini-build-up ang kanilang loveteam. Pati sa mga romantikong eksena ng dalawa, kapansin-pansing ginamitan pa ng theme song na si Xian yata ang kumanta. Tumutula na ewan habang binibigkas ang lyrics ng song. Nagpipilit maging singer kahit tunog lata naman ang boses. Hindi na lang mag-piano at gamitin itong back-ground music para mas maganda ang dating sa viewing public.

Nang huli naming ma-interview si Xian, sinabi nito na wala siyang type sa kahit sinong babae na taga-showbiz. Wala rin siyang girlfriend. Pero ngayon, biglang nag-iba ang kanyang dialogue. Puwede raw ma-develop into something ang friendship mayroon sila ngayon ni Kim.

“I’m not closing may door, who knows, hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari. We both enjoy our company, masaya kami ngayon,” say ni Xian.

Para sa amin, mas may kilig factor sina Kim at Jolo, kita mo agad na ang lakas ng chemistry nila on screen. Nakaka-relate pa ang masang Pinoy sa kanilang dalawa. Ewan lang, kung tuluyan na silang paghihiwalayin, baka naman sa bandang huli ay sila din ang magkatuluyan.

Effective na kontrabida si Maja Salvador na lihim na umiibig kay Xian. Wala siyang hindi gagawin para lang mapasa-kamay niya ang binata. Very challenging ‘yung role na nagampananan niya with flying colors. Hindi kaya may hawig sa totoong buhay ang character na ginagampanan ng dalaga. May tsika, walang lalaking nagustuhan niya na hindi niya nakuha. Ganu’n?

MATAPOS ANG mata-gumpay na US concert tour kasama sina Piolo Pascual at Yeng Constantino, nag-perform naman si KC Concepcion sa pinakaaabangang opening ceremonies ng ika-26 na Southeast Asian Games sa Palambang, Indonesia. Inawit ng dalaga ang “Together We Will Shine” kasama ang Indonesian actress-singer Agnes Mojica at Malaysian belter na si Jacklyn Victor.

Lutang na luting ang beses ng anak ni Sharon Cuneta sa nasabing venue. Outstanding ang kanyang performance na pina-

lakpakan at ‘yung ibang audience ay tumayo sa kani-kanilang upuan bilang paghanga sa dalaga.

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni KC na sobra siyang nag-enjoy sa Indonesia. Sobrang suporta ang ibinigay sa kanya roon ng ating mga kababayang OFW.

Tunghayan muli ang kapana-panabik na per-

formance ng singer-actress sa opening ceremonies ng 26th SEA Games, na ipalalabas sa Studio 23.

Speaking of KC and Piolo, parang walang nangyari sa kanila ni Papa P, back to each other arms uli ang drama nilang dalawa. Well, lahat naman nang relasyon, may pinagdadaanang problema na sila lamang ang nakakaalam. Hayaan na lang natin silang maging masaya’t maligaya sa kanilang relasyon.

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleNasasabihan daw ng lahat ng problema
Kim Chiu, bestfriend lang ang turing kay Xian Lim?!
Next articleKapapanalo lang na best actress
Marian Rivera, take 6 sa isang simpleng eksena!

No posts to display