Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, magkasama sa bagong pelikula

Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, magkasama sa bagong pelikula

 Piolo-Pascual-John-Lloyd-CruzMAGSASAMA SA isang matinding pelikula sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual

Yes, ang mga superstars ng kanilang henerasyon at biggest actors of Philippine Cinema sa ngayon na sina John Lloyd and Piolo ay kasalukuyang nagsi-shooting ng bagong pelikula na may working title na Hele sa Hiwagang Hapis.

Mula ito sa direksiyon ng award-winning independent filmmaker na si Lav Diaz, produced by TEN17P Productions ni Direk Paul Soriano na nakapag-produce na rin ng ilang mga pelikula, ang pinakahuli ay ang Kid Kulafu. Bale co-production venture ito with Star Cinema of Charo Santos-Concio and Malou Santos.

Sa Lake Bulusan, Sorsogon ginaganap ang shooting ng PJ-Lloydie film na kung ang pagbabasehan ay ang mga Instagram posts na naglabasan kahapon, may pagka-“period” ang kuwento ng pelikula, base sa costumes ng dalawang award-winning actors.

Si Direk Lav naman ay nakilala sa industriya na gumagawa ng hindi lamang 2 hours na film, kundi nasa 4-6 hours, tulad ng Norte, Hangganan Ng Kasaysayan na 4 hours, at ang last year epic niyang Mula Sa Kung Ano Ang Noon na 5 hours. Both films were awarded as best film sa Gawad Urian nang magkasunod na taon (last year and this year, 2015).

Aba, eh kung mga Piolo at John Lloyd naman ang “bababad” sa big screen, kesehodang 3-4 hours ang pelikula ni Direk Lav ay “keri” lang, dahil first time nga ito, historical, kumbaga, kaya exciting ito sa fans ng dalawang aktor. “Maiba” naman, ‘ika nga, sa mga romantic drama or romantic comedy films na ginawa nila in the past.

Si Piolo ay may pelikulang currently showing at kumikita sa takilya, ang The BreakUp Playlist with Sarah Geronimo.

Si Lloydie naman ay hindi naitago ang pagkalungkot nang hindi “nakalusot” sa MMFF 2015 Magic 8 films ang kanyang ConMan (Confidence Man) na suspense thriller drama film niya under Direk Erik Matti, kung saan nagpakalbo pa siya.

Meron rin siyang series of Maalaala Mo Kaya episodes.

Ang JLC-PJ movie ay also co-produced with Epic Media and Sine Olivia, and this one is really exciting!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro