Piolo Pascual and KC Concepcion, obviously in love!

ADVERTISING

 

Piolo Pascual and KC Concepcion, obviously in love!

ADVERTISING

Piolo Pascual and KC Concepcion, obviously in love!NAKITA NAMIN KUNG gaano katotoo na talagang sina KC Concepcion at Piolo Pascual na nga, nang sabay silang dumating sa birthday party ng aming katotong Eddie Littlefield at photographer na si Fernan Sucalit sa Music 21 Plaza in Timog noong maulan’g gabi ng Linggo.

‘Di na kailangan pang i-state the obvious.

Ang holding hands. Ang titigan. Ang mga bulungan. At ang pag-protekta ni Piolo sa dalaga.

ADVERTISING

Kaya, isa lang ang naitanong ko kay Piolo nu’ng matabi ako sa kanya when they sat down sandali para batiin ang mga may kaarawan. Ang pangungumusta sa kanyang Bible studies kung saan din nag-a-attend si Arnell Ignacio pero nasa Europe nga ito kaya absent.

Sabi ni Piolo, galing nga sila ni KC sa kanilang Bible studies. Nadugtungan pa ang brief tsikahan nang masabi rin nito sa akin na ang pinagkakaabalahan niya ngayon eh, ang pelikulang pinagsasamahan nila ni Angelica Panganiban for Star Cinema.

After that, parang wala nang gustong lumapit sa dalawa at spoil-in ang magandang moment na natutunghayan sa kanila. At very accommodating din sila sa mga taong pa-picture nang pa-picture sa kanila.

No need na to ask Piolo, gaya ng sabi ni KC sa isang interbyu, na ito na lang ang tanungin sa estado ng kanilang relasyon sa ngayon.

One can see and feel it right through their eyes.

 

SA PAGSULPOT NG mga tandem na kinagigiliwan ngayon sa mga radio stations, hindi malayong isa sa mga araw na ito eh, marami na rin sa kanila ang masilayan sa boob tube na umaarte na rin.

Gaya ng pinasisikat na Gigilicious tandem ng Tambayan 101.9 ng AM station ng ABS-CBN, ang parehang DJ Arnold Rei at DJ Bea.

Dahil napapanood na rin sila sa telebisyon, kapag nakita n’yo ang dalawa, sasabihin niyong puwede nga silang isalang sa mga TV shows ng nasabing istasyon dahil tipong mga artista rin sila. Kaya, passé na ang pagsasabing pang-radyo na lang ang mga deejays. Dahil karamihan sa kanila ngayon eh, puwedeng-puwede ring masilayan sa telebisyon, bukod sa hinahabol na ganda ng mga boses nila.

Sino ba ang tatapatan ng tambalan nila – sina Nicole Hyala ba at Chris Tsuper ng Love Radio?

 

ANG GENTLEMAN NAMAN pala nitong si JC De Vera. Nakapag-taping na ito sa ilang episodes ng bagong palabas sa TV5 na Utol Kong Hoodlum na kinunan pa nga ang ilan sa Australia.

Nang malaman nitong makakatapat ng palabas nila ang Guns and Roses na sinasalangan ngayon ni Binoe at Bea Alonzo sa Kapamilya Network, si JC na raw ang nagsabi sa mga kinauukulan sa kanilang ipapalabas na sanang serye kung puwedeng huwag itong itapat sa original na gumanap sa pelikulang Utol Kong Hoodlum na si Binoe.

Para kay JC, respeto ang tawag doon sa kapwa niya kasama sa industriya na tinitingala rin niya bilang isang artista.

Tingnan natin kung hindi kasihan ng magandang balik sa buhay niya ang binata dahil sa ginawi niya! Kaya siguro, habang wait pa sa showing ng Utol Kong Hoodlum in September sa TV5, join muna siya sa Hey! It’s Saberdey!

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING