Piolo Pascual, aminadong na-intimidate kay Dawn Zulueta sa shooting ng kanilang pelikula

Piolo Pascual, aminadong na-intimidate kay Dawn Zulueta sa shooting ng kanilang pelikula

Piolo Pascual
Piolo Pascual

Isang bachelor na na-in love sa isang matured woman ang istorya ng “Love Me Tomorrow” na bagong pelikula ni Piolo Pascual. Si Dawn Zulueta naman ang naatasan ng Star Cinema to portray the role ng older woman na mapo-fall kay Piolo.

Ayon kay Piolo, nakaramdam siya ng challenge sa pagsasama nila ni Dawn Zulueta  sa pelikula.

“The challenge there is of course working with, not just a matured actress but a veteran actor at that. Parang for me, eh, huwag ma-overwhelm, huwag ma-starstruck, kasi talagang nakai-intimidate. Day one pa lang, na-shock ako because all her scenes were talagang take one,”  kuwento ni PJ.

Inamin din niyang na-intimidate siya kay Dawn.

“Akala ko parang I’d be okey kasi malapit naman sa akin ‘yung role ko, pero I was really intimidated because parang si Miss Dawn, knew what she was doing.

“So I had to level-up. Talagang sabi ko, kailangang mas galingan mo pa, mas ayusin mo pa ’yung ginagawa mo,” paliwanag ni Piolo Pascual.

Ayon pa sa aktor, ang makatrabaho si Dawn ay isang blessing.

“For me, ‘yung compliment lang, ‘yung favor na maibigay sa ‘yo to work with somebody of her caliber, for me, mas naging ano siya. Kumbaga, I accepted it not as a challenge but as a blessing,” sey pa ng aktor.

Palabas na sa May 25 ang “Love Me Tomorrow”.

La Boka
by Leo Bukas