PIOLO and KC : Lovers sa Primetime

PIOLO and KC : Lovers sa Primetime

PAGKATAPOS NG NAPAKAMATAGUMPAY na pagtatambalan nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa mga pelikulang For The First Time at When I Met You, si Piolo Pascual naman ngayon ang masuwerteng lalaking magiging leading man ng mega daughter sa Philippine adaptation ng Lovers in Paris. Marami na ang excited sa proyektong ito lalung-lalo na ang mga die-hard fans ng dalawa. Marami rin ang hindi makapaghintay na makita kung may chemistry nga ba ang dalawang in-demand product endorsers na ito.

Balikan natin ang history ng mga tambalan: Huling nakatambal ni Piolo Pascual sa telebisyon si Angel Locsin, na dati namang katambal ni Richard Gutierrez noong Kapuso pa ito. In short, Richard-Angel muna tapos Piolo and Angel then Richard-KC at ngayon nga’y Piolo and KC naman. Whew! Kalurkey naman itong rigodon ng mga loveteam, eh!

Habang hindi pa bumibida sa primetime ang Lovers in Paris, Halina’t sulyapan ang matatamis na larawan nina Piolo at KC na nakunan sa premiere night ng Best Friends Forever. Sa kalaunan kaya’y magiging BFFs sina Piolo at KC? Hmmm… malalaman natin sooner or later.

Premiere Shots
Photos By Allan Sancon
by Mica Rodriguez