Pinoy/Indonesian Star Teejay Marquez, bumalik sa Pilipinas para sa photoshoot ng kanyang iniendorsong produkto

ADVERTISING

Pinoy/Indonesian Star Teejay Marquez, bumalik sa Pilipinas para sa photoshoot ng kanyang iniendorsong produkto

Teejay Marquez With Unisilver Time And Royqueen Big Boss Mr. Albert Que, Mr. King Go, Mr. Jojo Manto, Mr. William Co, Sir Gian and Yours truly
Teejay Marquez With Unisilver Time And Royqueen Big Boss Mr. Albert Que, Mr. King Go, Mr. Jojo Manto, Mr. William Co, Sir Gian and Yours truly

Nasa bansa ngayon ang Pinoy/Indonesian Star na si Teejay Marquez para sa pitong araw na bakasyon. Dumating si Teejay Marquez kagabi July 24, 2016 ng 6:20 p.m. sakay ng Philippine Airlines.
Nagpaalam daw si Teejay sa producer ng kanyang ginagawang teleserye sa Indonesia para dumalo sa kaarawan ng kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya.
At habang nasa Pilipinas si Teejay, isasabay na rin ang kanyang pictorial ng UniSilver Time at RoyQueen, kung saan isa siya sa image model at para sa Pictorial na rin ng isang magazine kung saan siya magiging cover nito.
Magkakaroon din ito ng Meet and Greet sa SM Fairview para sa kanyang iniendorsong skin clinic, ang Ysa Skin and Body Experts sa July 28, 2016 ng 2 to 5 p.m.
Bukod pa sa mga guesting nito sa iba’t ibang radio programs like sa “Walang Siyesta” ng DZBB 594. August 1, 2016 ang balik ni Teejay sa Indonesia para sa kanyang mga proyektong ginagawa sa nasabing bansa.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING