Pinay transgender Angel Bonilla, wagi sa International Pop Music Festival sa Bulgaria

Pinay transgender Angel Bonilla, wagi sa International Pop Music Festival sa Bulgaria

Angel Bonilla & Her Mentor Eduard Bañez
Angel Bonilla & Her Mentor Eduard Bañez

Tinanghal na 2nd runner-up ang Pinay transgender na si Angel Bonilla sa katatapos lang na Discovery International Pop Music Festival na ginanap nu’ng May 22 sa Varna, Bulgaria in Europe.

Si Angel Bonilla ang naging representative ng Pilipinas at nakalaban niya ang kinatawan ng 57 bansa.

Nasungkit ng Bulgaria ang grand champion sa naturang singing competition. First runner-ups ang Romania at Malta at 2nd runner-ups ang Philippines at Russia.

Tumanggap din si Angel ng special award na “Individualism Award” na ang ibig sabihin ay may originality o may sariling identity as an artist.

Tunay na Pinoy pride si Angel at sobra ang kasiyahan ng kanyang mentor, ang Net 25 newscaster, Philippine Socialite, at produkto ng Star Magic na si Eduard Bañez.

“We dedicate this award to all the people in the Philippines who are united in solidarity. I would like to thank all OFW who believe in my friend and helped her to pursue her dreams,” sey ni Eduard.

Mula pa lang sa umpisa ng laban ni Angel ay nand’yan na at nakasuporta si Eduard.

La Boka
by Leo Bukas