Pinay Canadian singer Mary Kate Aquino, gustong maka-duet sina James Reid at Sarah Geronimo

ADVERTISING

Pinay Canadian singer Mary Kate Aquino, gustong maka-duet sina James Reid at Sarah Geronimo

Mary Kate Aquino
Mary Kate Aquino

Ang makasama raw si James Reid sa isang concert at teleserye ang isa sa dream ng Pinay Canadian singer na si Mary Kate Aquino na ngayon ay nasa bansa para sa promotion ng kanyang single na “Sayang” mula sa composition ni Maestro Vehnee Saturno.

Tsika nga ni Mary Kate, bukod daw sa guwapo si James Reid, mabait at talented pa ito. Minsan na ring nakasama ni Mary Kate si James nang magkaroon ito ng concert sa Canada kasama si Nadine Lustre.

Bukod kay James, pangarap din ni Mary Kate na maka-duet si Sarah Geronimo na bata pa raw ito ay super fan na siya ng award-winning singer.

Marami na ring nagawang concert si Mary Kate sa Canada tulad ng “Mary Kate Aquino Little Shining Star” (2010), “Calgary’s Song Princess” (2013), at “2015 MKA”.

ADVERTISING

Naging front act na rin ito ng ilang Pinoy entertainers na nag-show sa Canada like Pops Fernandez, Martin Nievera, Vhong Navarro, Aegis, Bamboo, Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Darren Espanto, Parokya ni Edgar, Randy Santiago, atbp.

Naging big winner din si Mary Kate sa 2009 World Championship of Performing Arts sa Hollywood, California na kung saan nakakuha ito ng pitong medalya.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING