Pinatunayang ‘di bigay ni Manny Pacquiao Ara Mina, hinuhulugan pa rin sa bangko ang bahay

Pinatunayang ‘di bigay ni Manny Pacquiao Ara Mina, hinuhulugan pa rin sa bangko ang bahay

Pinatunayang ‘di bigay ni Manny Pacquiao Ara Mina, hinuhulugan pa rin sa bangko ang bahay NAPAGBIGYAN KAMI NI Ara Mina na makapasyal sa kanyang malaking bahay sa isang eksklusibong subdibisyon sa QC. House and intriga tour ang na-ganap habang kausap ni Ara ang aming segment host sa Hello Dolly na si Miss Dolly Ann Carvajal.

Nakakalula ang perfume collection ni Ara. Color coded ito. Mamahaling brand lahat at talagang may sarili itong kuwarto sa kanyang bahay. Pati ang kanyang mga branded bags ay OA rin sa dami, pero inamin niyang ang iba niyon ay bigay o kaya naman ay hulugan. Pagdating naman sa sapatos, isang malaking cabinet din ang kanyang inilaang paglagyan nang hile-hilerang shoes, pero hindi naman daw siya mahilig sa branded shoes.

Sa tanong naman kung ‘yung bahay ba na ‘yun ang sinasabing bigay raw diumano ni Pacquiao na naging sanhi ng isang malaking kontro-bersiya noon, sagot ni Ara, “Tingnan n’yo sa RCBC, patuloy ko pa itong hinuhulugan sa ngayon.”

 

SA AMING PATULOY na paglalam-bing kay Ate Aida, ang personal accountant ni Governor Vilma Santos na mapagbigyan kami ng panayam sa Star for All Seasons para sa Paparazzi ng TV5,  isang  text  ang  aming natanggap mula sa kanya na sumabay na lamang kami sa mga entertainment press na dadalaw sa gobernadora noong Miyerkules ng tanghali, Agosto 10, 2011.

Ayon pa kay Ate Aida, may meeting pa si Gov. sa Commision on Audit sa umagang ‘yun kaya perfect ang lunchtime para niya kami maharap at ang iba pang mga entertainment press.

Isang mer-yenda muna ang inihain sa lahat at kasunod ang masarap na tanghalian bago kami pinaakyat sa second floor nang The People’s Mansion kung saan tumatanggap ng mga bisita si Ate Vi at dito raw sa The Mansion ay at home na at home ito na makikipag-usap sa mga bisita.

Bandang ala-una y medya ay hinarap na kami ng Star for All Seasons. Sa patuloy na pakiki-pag-usap ni Gov. Vilma sa mga press, inamin niyang hindi lang pala ang El Presidente ni Governor ER Ejercito ang kanyang natanggihan dahil sa conflict ng schedule, kundi pati pala ang indie film at Cinemalaya entry na Isda.

Isda was offered to me by Direk Adolf Alix, I like the mater-ial pero talagang hindi ko siya ma-prioritize dahil sa dami ng aking ginagawa sa Batangas. But I’m very happy for my friend, Pie (Cherry Pie Picache), kasi ang ganda ng kanyang pagkakaganap sa Isda.”

Ang iba pang mga rebelasyon, at mga kasagutan tungkol sa patuloy pa ring ‘rivalry’ sa kanila nang nagbabalik-bansang Superstar Nora Aunor ay mapapanood sa Linggo ng hapon, 1:30 sa Paparazzi. Abangan!

 

HINDI KAMI EARLY riser kaya nagulat na lamang kami sa isang tawag sa aming kasama-han sa TV5 na naaksidente raw si Joseph Bitangcol alas-singko nang madaling-araw at nasa Marikina Valley Medical Center daw ito na-confine.

Ayon sa mga ulat, nasagi ng ten-wheeler truck ang sinakyang Montero nina Joseph at nang lima pa niyang kaibigan sa may bandang Fatima College sa may papuntang Antipolo.

Na-shock kami sa balita dahil wala pang isang taon nang makapanayam namin si Joseph sa kanilang tahanan para sa  aming segment na Caught By Cristy hosted by Nanay Cristy Fermin sa Paparazzi.

Ang nasabing panayam ang naging hudyat upang makabalik sa showbiz si Joseph at nagkaroon ng maraming shows at raket. Sana mabilis maka-recover si Joseph sa tinamong aksidente pagkatapos niyang ma-operahan sa chin.

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato