Pinasok ang hotel room ng aktor: Komedyante, nagngangawa nang ma-reject!

ADVERTISING

BLIND ITEM: Sa isang umpukan, hindi naiwasang maungkat ang naging karanasan ng dating matinee idol na aktibo pa rin palibhasa’y nasa bansa ngayon ang isa sa kanyang mga anak na desidido na ring pasukin ang showbiz.

Sa kasaysayan ng buhay-pag-ibig ng aktor—mapa-nobya man nito o kanyang naanakan—pawang magagandang babae ang kanyang pinatulan. Kalabisan mang sabihin, habulin siya ng babae. Isa na rito ang isang komedyana na muntik-muntikan na niyang naikama, at posibleng naanakan din.

Sa isang pagtatanghal abroad, nagkasama ang aktor at ang komedyana. Siyempre, magkahiwalay sila ng hotel room.

Kaso, isang gabi ay inatake ng kakatihan ang komedyante. Pinasok niya ang aktor sa silid nito, kung saan kasama ang isang sikat na balladeer na kabilang din sa show.

Napilitan umanong lumabas ng hotel room ang mang-aawit dahil, “Si (pangalan ng komedyana) kasi, eh, nasa room namin, nilalandi si (pangalan ng aktor)!”

ADVERTISING

Pero hindi raw nagwagi ang komedyana sa kanyang pakay itsurang ipagduldulan niya ang kanyang katawan sa aktor, na nangatwirang: “’Di tayo talo. Alam mo namang kapatid lang ang turing ko sa ‘yo.”

Dahil hindi raw matanggap ng komedyana ang rejection, hayun ang hitad, iyak nang iyak. Da who ang aktor at ang komedyana?

Ay, bukas na lang… gabi na!

By Ronnie Carrasco III

ADVERTISING