Pinagselosan daw dahil sa kissing scene kay Dingdong Dantes Katrina Halili, inaming pinagmamalditahan siya ni Marian Rivera!

ADVERTISING

Pinagselosan daw dahil sa kissing scene kay Dingdong Dantes Katrina Halili, inaming pinagmamalditahan siya ni Marian Rivera!

Pinagselosan daw dahil sa kissing scene kay Dingdong Dantes Katrina Halili, inaming pinagmamalditahan siya ni Marian Rivera!UMAMIN NA si Katrina Halili na si Marian Rivera nga ang nagmamaldita sa kanya sa set ng soap opera nilang hindi naman nagre-rate.

Sinabi ni Katrina na sweet pa noong una si Marianita sa kanya pero lately ay openly na nitong pinapakita ang disgusto sa kanya. Madalas na hindi siya nito pinapansin at nagsusuplada talaga ang dalaga sa kanya.

Ayon pa kay Katrina, hindi naman niya type makipag-away kay Marian, pero nagugulat siya sa nakakarating sa kanyang tsikang nagseselos ito sa kanya.

In particular ay sinabi niyang naimbiyerna si Marianita sa kanya when she kissed Dingdong Dantes almost torridly in one scene sa kanila soap. Umiinit ang ulo roon ni Marian at doon na ito nagsimulang magtaray.

ADVERTISING

Ang sabi pa ni Katrina, may attempt ang GMA-7 na pagbatiin sila ni Marian.

Naku, ha? Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Noon una ay gusto raw ng GMA execs na deadmahin na lang ang issue para hindi na ito lumaki pa.

Anyway, si Marianita naman, feeling niya ay pinaglilihihan lamang siya ni Katrina kaya inuunawa na lamang niya ito.

That’s quite funny. Hindi naman magsasalita si Katrina ng kanyang sentimyento kung walang ginagawang kamalditahan si Marianita sa kanya. Wala namang ugaling nag-iimbento lang si Katrina ng issue.

 

ARE ANGELICA Panganiban and Derek Ramsay living-in together?

Sa isang bonggang house sa bandang South nagsasama ang dalawa. Open naman daw sila sa ganitong set-up sa kanilang mga friends na hindi na nagtataka dahil alam naman nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Tanggap na nga raw ng pamilya ng dalawa ang ganitong set-up ng magdyowa. Sooner or later din kasi ay magpapakasal na rin naman daw ang dalawa.

Super inspired nga raw si Angelica na magtrabaho ngayon. Maging si Derek ay kakaibang energy rin ang ipinapakita dahil sa grabeng suwerteng kanyang natanggap nang bigyan siya ng bonggang kontrata ng TV5.

Ilang daang milyon daw ang tatanggaping talent fee ni Derek sa kanyang bagong kontrata sa Singko.

 

“HINDI KO talaga pinursue ‘yung kaso kasi hindi ko naman masisi si Aiko kung nagkaroon man sila ng alitan. Ako (ay) damay lang naman doon, eh. Para bang ‘pag pinilit ko pang i-pursue ‘yung kaso ay parang pinilit ko ang sarili ko na pumasok sa isang bagay, isang lugar na hindi naman ako dapat kasama.”

That’s the explanation of Pandi Mayor Enrico Roque about the dismissal of his libel case against Aiko Melendez.

Feeling ni Mayor Enrico, ang issue ay between Aiko and Patrick at siya ay nadamay lang.

Mayor Enrico gave a thanksgiving party for the press sa Amana Resort sa Pandi, Bulacan, his late birthday celebration na rin noong April 16.

Nagtampisaw ang press sa iba’t ibang pool ng Amana. May bongga ring games na katulad ng Amazing Race at talagang hiningal kami when we joined the game. May Pinoy Henyo game portion din.

Bukod sa wave at iba’t ibang pool ay may bonggang added attraction ang Amana – ang newly-launched nilang zip line. In addition ay may carousel na rin sila. Another attraction ay ang pangangabayo ng mga dumarayo doon.

Business-like ang approach ni Mayor Enrico sa pagpapatakbo ng kanyang bayan. Kabilang sa project niya ang Baro’t Saya festival na sinimulan na nila this year.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING