PINAGBIGYAN PERO DEADMA: Kris Aquino, sinampahan ng kasong qualified theft si Nicko Falcis

ADVERTISING

PINAGBIGYAN PERO DEADMA: Kris Aquino, sinampahan ng kasong qualified theft si Nicko Falcis

PINAGBIGYAN PERO DEADMA: Kris Aquino, sinampahan ng kasong qualified theft si Nicko Falcis
Kris Aquino

KALOKA ang mga akusasyon ng kampo nitong “pinagkatiwalaan” ni Kris Aquino ng kanyang negosyo na diumano ay nanloko sa kanya na si Nicardo Falcis II, na kilala ng publiko as Nicko Falcis, na dating managing director ng Kris Cojuanco Aquino Productions (KCAP), ang kompanya owned by Kris.

ADVERTISING

Noong October 12 ay naghain si Kris ng qualified theft laban kay Nicko sa iba’t ibang lunsod sa Metro Manila tulad sa Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig, at Manila.

Mula sa mga dokumento ng korte, pinangalanan ni Kris na si Nicko Falcis ang taong diumano nagnakaw sa kanya ng P1.270 million.

Narito ang breakdown ni Kris na dapat bayaran ng dating tauhan niya na si Nicko:

ADVERTISING

1.    P15,000,000 as temperate damages.

2.    P1,000,000 as examplary damages.

3.    P10,000,000 as moral damages.

4.    P5,000,000 as attorney’s fees.

 

Humihingi si Kris ng P32.27 million in damages bukod pa sa cost ng demanda mula sa actual damages na P1,270,980.31.

Ang kaso na isinampa ni Kris ay ang hindi diumano mga awtorisadong paggamit ni Nicko ng company’s credit card na para lang sana sa mga official na pagkakagastuhan ng Kris Cojuangco Aquino Productions pero ginamit diumano ni Nicko sa mga personal niyang gastusin na hindi inaprubahan ni Kris o ikinunsulta man lang sa kanya.

Sa pa-presscon ng kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus Falcis ay ibinigay nito ang panig ng kapatid niya na out of the country (na ayaw harapin si Kris), at ng kanilang pamilya.

PINAGBIGYAN PERO DEADMA: Kris Aquino, sinampahan ng kasong qualified theft si Nicko Falcis
Kris Aquino with kids Josh and Bimby

Ayon sa report ng mga kasamahan sa media na nakausap si Atty. Falcis may statement diumano ang Star for All Media na “pagtatangka” diumano sa buhay ni Nicko.

Kris Aquino to Nicko Falcis: “YOU WILL BE DEAD”. WOW! Ang lakas ng dating. Ha…ha… ha…

To quote Atty. Falcis na sinabi diumano ni Kris: “YOU FUCKING ASSHOLE NICKO!…. DARE TO STEP IN THIS COUNTRY AND YOU WILL BE DEAD.

“Grave threats coming from the daughter and sister of former presidents, you do not take lightly.,” pahayag nito during a presscon na ipinatawag niya.

Knowing Kris na may takot sa Diyos at relihiyoso (siya lang yata ang isa sa mga showbiz personalities natin na nagro-rosaryo gabi-gabi), hindi ako naniniwala sa akusasyon ng kampo ng idinemanda.

Sa labanan ng tama at mali; sa nararapat at hindi dapat, ay malaki din ang nagagawang basehan kung sino ang nagpahayag. Kung ano ang track record ng tao.

As far as I know, never pa nagnakaw si Kris. Never ko pa nabalitaan na nanloko siya pagdating sa usaping pera o nanloko ng tao.

Sa katunayan, generous ang babaeng ito at tumutulong sa ibang tao na hindi na niya ipinangangalandakan at ipinapaalam sa publiko.

Sa ganang akin, kung malinis ang konsensiya ni Nicko, harapin na niya si Kris para matapos na. Habang hindi niya hinaharap ang isinampang kaso ni Kris, ang pangalang Falcis is in question. Kawawa naman ang ina at pamilya ni Nicko sa isyung ito at kaduwagan niya.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING