Pinagbakasyong aktres, laman ng casino! – Ogie Diaz

Pinagbakasyong aktres, laman ng casino! - Ogie Diaz

Pinagbakasyong aktres, laman ng casino! - Ogie DiazBLIND ITEM:  TILA masyado nang ine-enjoy ng isang bagets actress ang kanyang “freedom” matapos siyang kusang pagbakasyunin sa isa niyang show dahil sa unprofessionalism.

O, ayan, ha?  Meron na kayong clue.  Anyway, isang gabi ay naispatan siya ng aming Parazzi Girl na aba, pumipindot-pindot ng slot machine sa casino sa Angeles City, Pampanga.

Hindi lang alam ng aming source kung magkano ang naipatalo ng aktres, pero ang nasiguro lang niya, sobrang enjoy si girl sa paglalaro dahil kasama ng ilang barkada ang kanyang pagka-casino.

Oh, well…’wag umasa ang young actress na siya’y may babalikan pa ‘pag gusto na niya, ha?  Baka meron nang pumalit sa trono niya na mas sariwa at mas mura.

Pag bumalik siya’t hindi na tinanggap, isa lang ang ibig sabihin niyan:  “lumubog na ang araw” niya.

NAGKABALIKAN NA BA sina Robin Padilla at Kris Aquino?  Baket, naging sila ba?  Actually, ang alam namin, sa totoong buhay nu’ng araw, naging sila, pero naudlot ‘yon.

Pero ngayon, magkakatotoo na.  Kaso, hindi sa tunay na buhay, kundi sa teleserye lang.  Oo, totoo.  Si Robin ay nagbabalik-ABS-CBN na via a teleserye.

Ewan kung totoong “Kung Tayo’y Magkakalayo” ang title ng teleserye na hango sa awitin ni Rey Valera.  Ang makakasama nila rito ay sina Gerald Anderson at Kim Chiu, kaya feeling namin, patok na patok ito sa masa.

Si Robin, in fairness, kahit naman dalawang teleserye na ang nagawa niya sa Channel 7 ay hindi naman nagsunog ng tulay ‘yan, eh.  Saka maganda image ni Robin ngayon.

At ‘yan ay mahahalata mo sa rami ng kanyang endorsements.  At hindi naman nakapagtataka na blessed si Robin, dahil alam n’yo ‘yang taong ‘yan, sobrang daming tinutulungan.

Kurek. At ‘di ba, meron pa siyang school na siya ang sumasagot ng mga pangangailangan ng mga bata?  Bukod pa diyan ‘yung mga kaibigan niyang hindi niya mapahindian kapag nangangailangan.

Kaya nga minsan, sa pag-uusap namin ni Robin, nasaksihan namin kung ilang tao ang lumalapit sa kanya para humingi ng tulong, sabi namin sa kanya, “Alam mo, hindi ka talaga yayaman.

“Kasi, itinutulong mo rin eh.”

Ang nasabi lang ni Robin, “’Yan ang ating tadhana, ‘Tol, kaya wala tayong magagawa.  Basta ‘wag lang tayong mauubusan ng itutulong, tutulong at tutulong ako!”

Ganyan si Robin at ilang beses naming nasaksihan ang kanyang pagtulong sa kapwa nang hindi na niya ipinagmamakaingay pa.

PANSININ N’YO ANG aming kumareng si Kris Aquino, huh!  Mukhang ang sipag-sipag niyang mag-work.  Gabi-gabi, meron siyang SNN with Kuya Boy Abunda. Tapos, tuwing Sunday naman ang The Buzz.

Ngayon, me gagawin namang bagong teleserye.  Aba, bakit kaya ganu’n kasigasig ang aming kumare?  Tama ba ang aming dinig na naringgan si Kris ng isa naming source na, “Kailangan kong mag-work to death to be able to help Noynoy for his campaign.  Kailangan, ako mismo, maka-raise ng funds for him!”

Nakakalokah, ibinenta ni Kris ang isa niyang bahay at ang napagbilhan no’n, contribution niya sa campaign ni Noynoy.  Tapos, meron pang share si Noynoy sa suweldo niya sa ABS-CBN at sa mga product endorsement niya.

‘Yan ang magkapatid.  Na sa lahat ng oras, damayan.

At in fairness, big factor si Kris kung sakaling mag-win as President si Noynoy.

‘Wag n’yong kakalimutang makinig sa “wow! ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz