Pinadala sa location ng shooting
Marian Rivera, ipinagyabang ang bagong biling luxury car?!

ADVERTISING

<i>Pinadala sa location ng shooting</i><br>Marian Rivera, ipinagyabang ang bagong biling luxury car?!<i>Pinadala sa location ng shooting</i><br>Marian Rivera, ipinagyabang ang bagong biling luxury car?!BAIT-BAITAN NA raw ang drama ngayon ni Marian Something.

Somebody told us na she’s now more friendly and easy to get along with during the shooting of her movie with Ai-Ai delas Alas. Marami nga raw ang nakapansin ng kanyang pagbabago.

Nabawas-bawasan na rin daw ang pagiging supladita ni Marianita. She’s no longer mataray raw to the people on the set.

If this is true, then it’s good for her. Baka nga nagbago na siya. After all, she’s not that hot a star anymore.

Or maybe Marianita is so inspired dahil nagbalik na raw sa kanya ang kanyang dating ini-endorse na alcoholic beverage. Dito ba niya kinuha ang pambili niya ng luxury car niya na pinadala pa niya sa location ng shooting niya to probably get the people notice her pricey acquisition?

ADVERTISING

<i>Pinadala sa location ng shooting</i><br>Marian Rivera, ipinagyabang ang bagong biling luxury car?!NALOKA KAMI when a friend told us na Jessica Sanchez visited a public school sa Singalong sa Maynila.

Marami raw talagang tao ang nag-usyoso kung sino ang tila pinagkakaguluhan ng mga utaw roon. Later, they learned na si Jessica Sanchez nga raw ang naroroon.

The American Idol runner-up was there para sa isang story-telling session. This was the first thing she did after returning to the country recently. Meron kasing Valentine concert si Jessica sa bansa.

Ang ikinaloka namin ay ang comment ng pinsan ng friend about Jessica. Nagtataka ang hitad kung bakit ang daming nagkagulo kay Jessica gayong hindi naman daw ito kagandahan. She wasn’t exceedingly beautiful to the standard of our friend’s cousin na isa sa mga nakiusyoso roon.

“Sabi ng cousin kong mataray ay mukhang katulong naman daw si Jessica kaya takang-taka siya kung bakit pinagkakaguluhan siya,” sabi  ng aming new-found friend.

Well, Jessica may not be a ravishing beauty but she succeeded through sheer talent. With her exceptional vocals ay pinahanga niya ang buong mundo and put the Philippines into the map of world class performers.

 

SHARON CUNETA poured her heart out pala sa isang executive ng ABS-CBN.

Inihinga ni Sharon sa TV exec ang kanyang sama ng loob sa TV 5. Ang feeling daw kasi niya ay nabastos siya.

Habang nagte-taping kasi siya out of town ay hindi niya alam na pinapagawa na pala ang Delta studio not for her own use in the future kundi para sa noontime show ni Willie Revillame.

Parang ang nangyari, she was the last one to know.

And what seemingly added insult to an injury ay tsinugi na rin ang kanyang talk show sa Singko.

Iyan pala ang nangyari kaya nasulat na nagparamdam siyang muli sa ABS-CBN.

Ang tsismis kasing kumalat ay gusto na raw bumalik ni Sharon sa Dos, bagay na imposibleng mangyari dahil five years ang kontratang pinirmahan ni Mega sa TV 5.

Isa pa, she’s not welcome na raw sa Dos. Wala nang interest pa ang network na pabalikin siya.

 Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING