Pilipinas, Win na Split!

Isa na namang pagbabago ang mangyayari ngayong araw. Dahil ayon sa ating source, ang programang Pilipinas, Win na Win! ay magpapalit na ng host. Aalis na si Kris Aquino matapos ang halos dalawang buwan niyang paglabas dito. Sina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison and Nonoy Zuñiga na ang bagong hosts na makakasama n’yo sa pananghalian.

Pero ano nanaman kaya ang palabas na ito? Eh, ang alam ng mga tao, kaya nawala na ang programa ni Willie Revillame noon na Wowowee dahil mas pinili ng Dos si Kris Aquino. At ang resulta, ang bago ngayong palabas. Tapos ngayon, magulo na naman? Nagbagu-bago ng timeslot at may layasan na, ‘di lang sa hosts, kundi pati staff. Dahil din kaya sa ratings, kaya ganyan?! Aba teka, sino ba talaga ang nasusunod dito?

By Jet Bentulan

Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleBubbles Paraiso does the ‘Make-Up Artist’
Next articlePretty Boys Gone Wild

No posts to display