Pilar Pilapil, nag-aalaga na rin ng talents galing Cebu

ADVERTISING

Pilar Pilapil, nag-aalaga na rin ng talents galing Cebu

Pilar-PilapilLOVELY AS ever pa rin si Ms. Pilar Pilapil nang magkita kami sa Viva office kalian lang. Kahit walang make-up, stunning pa din ang beauty ng ex-beauty queen. More than 20 years since we see each other. As an actress, active pa rin siya sa paggawa ng mga teleserye at pelikula. Aside sa showbiz career niya, nagpa-acting workshop siya sa Cebu City. Lima sa kanyang mga students ay contract star na ngayon ng Viva Films. Mismong si Vic del Rosario ang nagpunta sa Cebu City para tignan ang mga bagong talent ng Cebuana actress.

Halos raw ng mga nag-enrol sa acting workshop ni Ms. Pilapil ay puro galing sa mayayamang angkan sa Cebu City. More than 20 students ang tinuruan niya ng basic acting at nagbayad ang mga ito. No question asked, kahit mahal ang bayad. As a mentor, may mga highly recommended siya kay Boss Vic, beauty and brain plus acting ability. Ayon sa kanya, may special arrangement daw sila ng big boss ng Viva.

Magsisimula nang mag-handle ng mga new talent from Cebu City si Ms. Pilapil. Gusto lang daw niyang makatulong sa mga kabataan gustong mag-artista. Marami sa kanila, hilig talaga ang umarte in front of the camera. Hindi nila alam kung papano makapasok sa showbiz. Sa tulong ng versatile actress, matutupad na nila ang kanilang mga pangarap na maging sikat na celebrity.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING