Pictures ni Yen Santos sa Instagram burado na

TAHIMIK pa rin hanggang ngayon ang kampo ng controversial ‘A Faraway Land’ star na si Yen Santos kahit na halos isang buwan na rin ang nagdaan nang ma-link ito sa kanyang leading man and friend na si Paolo Contis.

Pictures ni Yen Santos sa Instagram burado na
YEN SANTOS

Dahil sa pagkumpirma ni Paolo Contis na si Yen Santos ang babaeng kasama niya sa Baguio at Pangasinan noong kasagsagan ng isyu sa hiwalayan nila ni LJ Reyes ay binatikos na ng netizens ang nananahimik na aktres. Imbes na kay Paolo Contis nila ibuhos ang kanilang sama ng loob dahil siya naman ang nangaliwa ay sa Instagram page ni Yen sila nagpost ng mga masasakit na salita.

Kahit pa nilinaw ni Paolo Contis na kinita lang niya si Yen sa Baguio ‘as a friend’ ay hindi pa rin tinigilan ng netizens si Yen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Yen para man lang depensahan ang kanyang sarili kung totoo ba na siya ang hudyat ng hiwalayang Paolo-LJ o kung siya ba ay inosente at plainly ‘a friend’ lamang.

Napansin ng mga netizens na binura na ni Yen Santos ang lahat ng larawan na posted noon sa kanyang Instagram page. Kulang na lang ay mag-delete ito ng account… pero sayang naman ang 2 Million followers niya, huh!

Si LJ Reyes ngayon ay nasa New York kasama ang mga anak na sina Aki at Summer, habang si Paolo Contis naman ay tuloy pa rin sa kanyang lock-in taping para sa upcoming GMA-7 series na ‘I Left My Heart in Sorsogon’, kung saan isa siya sa tatlong lead stars (sina Heart Evangelista at new Kapuso Richard Yap ang dalawa pa). In short, life goes on for the then-sweet couple.

Pictures ni Yen Santos sa Instagram burado na
Yen Santos and Paolo Contis in ‘The Faroe Way Land’

Kumusta na kaya si Yen Santos? Ang huling rinig namin from a concerned friend ay apektado raw si Yen sa mga pambabatikos na kanyang natanggap mula sa publiko. Kung hindi kami nagkakamali, may movie project pa itong natapos with Kit Thompson na ipapalabas pa lamang. Hindi kami sure kung ito ay maipapalabas pa ngayong taon, o kung tuluyan ba itong ishi-shelved? Ano na kaya ang plano ng Kapamilya Network para sa kanilang controversial homegrown artist?

Despite this, we still hope that Yen Santos is coping well.