Pia Wurtzbach, uuwi ng ‘Pinas

ADVERTISING

 alt=

Pia Wurtzbach From Instagram: thisiskorinasanchezroxas
Pia Wurtzbach From Instagram: thisiskorinasanchezroxas

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos mapanalunan ang korona sa Miss Universe 2015, nakatakdang umuwi sa Pilipinas si Pia Wurtzbach sa January 23, Sabado.

ADVERTISING

Bago ito, dadaan muna ang beauty queen sa Indonesia para sa isang charity event na bahagi ng kanyang obligasyon bilang bagong Miss Universe.

Sa report ng “TV Patrol kagabi, Miyerkules, January 6, isang engrandeng welcome party ang inihahanda ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) para sa ikatlong Miss Universe ng bansa.

Nakatakda namang humarap si Pia Wurtzbach sa local media para sa isang grand press conference na gaganapin sa January 24, Linggo. January 25, Lunes, naman magaganap ang isang engrandeng motorcade para sa Miss Universe. Habang sa January 28, Huwebes, magkakaroon ng isang bonggang tribute para sa Miss Universe 2015 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

ADVERTISING

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING