Pia Wurtzbach, inuudyok si Sanya Lopez na maging beauty queen!

ADVERTISING
Pia Wurtzbach, inuudyok si Sanya Lopez na maging beauty queen!
Sanya Lopez

ANG HABA ng hair ni Sanya Lopez, huh! Pagkatapos ma-declare na leading lady ni Dennis Trillo sa upcoming series na Cain at Abel, ngayon naman ay sa beauty pageant world nakahanap ng mentor ang dalaga – ito ay walang iba kundi si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach!

Kinikilig pa nang i-share ni Sanya sa kanyang Instagram ang video message ni Pia, kung saan inamin ng beauty queen na ini-istalk din niya ang social media ng Kapuso actress. 

ADVERTISING

“Inii-stalk din kita sa IG at super ganda mo. Whenever you’re ready, we’re here waiting for you. Kung gusto mo mag-train, kung gusto mong sumali, alam mo na kung sino ang lalapitan mo. I would be happy, happy, happy to help you,” sambit ni Pia.

Sa totoo lang, Sanya has what it takes to be a beauty queen. Maganda ang mukha, hubog ng katawan, talented at higit sa lahat, may confidence sa sarili. No wonder binibuild up talaga siya ng Kapuso network as their next important star.

ADVERTISING

Pero teka: Hindi kaya mag-cause ng controversy ang mga kumalat na maiinit na eksena ni Sanya sa ‘Wild and Free’? Abangan natin!

ADVERTISING