Pia Wurtzbach, gustong maging Darna, pero hindi puwede

ADVERTISING

 alt=

GUSTUHIN man ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na gampanan ang role ng iconic Pinay super hero na si Darna sa pelikula, mukhang malabo namang mangyari.

Pia Wurtzbach, gustong maging Darna, pero hindi puwede
Pia Wurtzbach (courtesy of Instagram: @piawurtzbach)

Last year, nagpahayag na ng kanyang pagkagusto ang dating Miss Universe na maging Darna. Nang ma-interview naman si Pia sa media presentation ng 2017 Binibining Pilipinas candidates, hindi pa rin siya bumibitiw sa pag-asam na magampanan ang role.

“Sana…” tugon ni Pia nang matanong kung gusto ba niyang maging Darna.

Isa si Pia sa mga matunog ang pangalan sa social media sa mga puwedeng pagpiliang maging Darna matapos na pinal na ianunsiyo ni Angel Locsin at ng Star Cinema kamakailan na hindi na gagawin ng aktres ang role dahil sa kanyang medical condition.

ADVERTISING

Nagbigay naman ng reaksiyon si Pia kaugnay nito. Aniya, “Nagpapasalamat ako na ako ang napupusuan na maging Darna pero hindi ako, eh.”

May ibang plano umano ang ABS-CBN para sa showbiz career ni Pia.

“Thank you, pero parang iba ang plano ng ABS-CBN para sa akin,” sabi pa niya.

Samantala, kabilang sa mga lumulutang na pangalan ng mga Kapamilya actress na posibleng mag-Darna sina Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Yassi Pressman, Maja Salvador, at Jessy Mendiola.

ADVERTISING