Pia Magalona, hindi nagpaka-stage mom kay Elmo Magalona sa presscon ng teleserye

ADVERTISING

Pia Magalona, hindi nagpaka-stage mom kay Elmo Magalona sa presscon ng teleserye

Pia Magalona and Elmo Magalona
Pia Magalona and Elmo Magalona

Sa presscon ng bagong rom-com sa telebisyon nina Elmo Magalona at Janella Salvador na “Born for You” early this week; hindi ko alam na nandudu’n pala sa isang sulok (actually sa bungad) si Pia Magalona, nakaupo at katsika ng kasamang Rey Pumaloy.

Nasa sidelights lang si Miss P. nu’ng gabing ‘yun at hindi umeksena dahil alam niyang highlight ‘yun ng anak niyang si Elmo.

Nang mag-post ako sa IG account ko ng mga kagapanan sa presscon, nag-like siya at nag-post ng reply niya: “Hello @rkvillacota!!! I saw you here. Thank you!” na sinundan ng tatlong icon ng smiley.

Ang tagal na rin naming kilala si Pia. Noong panahon na sa Katipunan Avenue (sa tapat ng Ateneo), kung saan si Elmo was only 4-5 years old, na dahil uso ang “running man”, pinagagaya ni Kiko (Francis Magalona) ang anak sa “running man” steps na willingly ay sunod naman itong si Elmo sa ama.

ADVERTISING

Sa mga out of town gigs ni Kiko, kasa-kasama kami nu’n ng mag-asawa. Basta happy days ‘yun ng showbiz with fellow reporters like Pilar Mateo, Anthony Solis, at ang namayapa nang si Mario Garcia.

Kumbaga, kami ang mga entertainment writers na karay-karay nila sa mga concerts ng Hari ng Rap noon bago pa man umusbong sina Andrew E. at ang Salbakuta o si Abra.

Happy kami nu’n na ang closeness ng mga reporter sa artista ay walang harang. Kasama namin sila. Ang daming memories noong mga panahon na ‘yun, hanggang sa namaalam na si Kiko na noong panahon na ‘yun ay wala kami rito sa bansa.

Mula noon, hindi ko na rin nasundan ang anak niyang si Maxene (who was 7 years old yata nu’n), na nasa showbiz na rin. Si Elmo pumasok na rin sa showbiz na ngayon nga ay patuloy na sumisikad para makilala ng publiko sa sarili niyang pamamaraan, na ang unang ka-love team niyang si Julie Ann San Jose ay napanood pa namin ang kanyang pelikula na si Direk Mac Alejandre ang nag-direk.

Actually, throwback na throwback ‘yun on a Tuesday during the presscon nang makita namin si Elmo Magalona.

Tanong ko nga kay Pia para sigurado ako kung si Elmo ba ‘yong anak nila ni Kiko na palaging nagra-running man sa harapan namin nina Pilar tuwing dumadalaw kami sa bahay nila? Nag-recall saglit si Pia at kinumpirma sa amin, na sabay kaming napatawa.

Once naka-chat ko sa FB si Pia Magalona, nagtatanong pa ako sa kanya nu’n kung paano ang ginagawa sa Instagram. Wala kaming alam nu’n sa ibang social media na uso na. Actually, matagal bago kami nakiuso sa Facebook. Ilang buwan din ‘yun bago kami natuto.

Sabi ni Pia sa amin sa FB: “You will learn.”

Mula nu’n, wala na kaming konek ni Pia, habang ang anak niyang si Elmo ay pumalaot na sa showbiz sa kampo ng GMA Kapuso Network. Sa picture o sa mga TV interview na lang namin nasusundan si Elmo. Maging ang sa kanila ni Lauren Young at Janine Gutierrez, kung hindi sa FB namin nababasa at sa mga online showbiz portal ay sa diyaryo na lang namin nababasa.

Kung susumahin, it was lmjost 15 years mula nu’ng huli naming nakita si Elmo who have grown up na guwaping tulad ng kanyang ama.

Sa mga nakapanaood ng 1 week episode ng “Born For You” last weekend sa advance preview ng Dreamscape, maganda ang review sa binata.

“Sexy siya. Ang lakas ng sex appeal lalo na noong mag-sleeveless siya sa isang scene,” kuwento sa amin ng isang kasamahan sa trabaho na nakapanood.

Sa presscon, nakaligtaan kong itanong kay Elmo kung sila pa ba ni Janine, lalo pa’t si Janella na ngayon ang ka-love team niya. Sa GMA kasi, may teleserye sila ni Janine na ‘di ko alam kung nag-click, reason para maintindihan ko kung bakit sa itinagal-tagal ni Elmo sa kampo ng GMA, nag-decide siya at si Pia na makabilang bakod.

“Siguro, this is destiny,” sabi niya sa mga interviews kung bakit lumipat siya. Maging ang tambalan nila ni Janella ay walang nakapagsabi na p’wede rin pala sila. “It’s also destiny,” sambit niya.

Si Pia na nagmimiron lang sa isang sulok, nakausap namin habang ang anak niya ay pinagkakaguluhan ng press sa may bandang harapan.

Tanong ko sa kanya, “How do you find Janella?”

“She’s beautiful. Magalang na bata,” diretsahang sagot niya sa tanong namin. “I like her,” dugtong niya.

“I already met her mom (referring to singer and stage performer Janine Desiderio). Halos kasing edad lang natin siya,” kuwento ni Pia.

Kung oks si Janella para sa binata niya, then there is no reason para mag-react ang mga nagne-negative sa tambalan ng dalawa.

May tawag na nga sa love team nina Elmo at Janella. May nag-coined na ElNella (from their names Elmo and Janella). May overseas fan base na rin ang dalawa na very supportive sa love team ng dalawa.

Ang bagong romcom sa telebisyon nina ElNella ay mapapanood na sa darating na Lunes, June 20, pagkatapos ng “Dolce Amore” na siyang ipapalit sa magtatapos ngayong gabi na “The Story of Us” nina Xian Lim at Kim Chiu.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING