Pia Guanio to be wed soon!

ADVERTISING

Pia Guanio to be wed soon!

Pia Guanio to be wed soon!HOW TRUE ANG tsikang nasagap namin na handa na at medyo malapit na raw ikasal ang TV host-actress na si Pia Guanio sa kanyang mayaman at non-showbiz boyfriend na nagngangalang Steve Mago from Alabang, dahil namanhikan na diumano ang pamilya ng binata sa pamilya ng una?

ADVERTISING

Ang alam namin, asawa ng kaibigang babae ni KC Concepcion ang kapatid ng d’yowa ngayon ni Pia. Magkalapit daw ang mga edad nina Pia at Steve.
Tinanong namin thru text ang kaibigan at co-host ni Pia sa Eat Bulaga na si Allan K nu’ng isang araw kung totoo ba talaga ang tsikang ito, pero pinabulaanan ito ng komedyante.
If this is true, wala kaming nakikitang masama kung magpakasal na sina Pia at Steve, lalo’t nasa edad na naman sila pareho at siguradong mahal na mahal naman nila ang isa’t isa.
At kung magkatotoo man ito, ano kaya ang magiging reaksyon ng ex-boyfriend ni Pia na si Bossing Vic Sotto na co-host n’ya rin sa kanilang noontime show sa GMA-7?

WOW! TOTOO KAYA ang nabanggit sa amin ng driver ng LBR taxi na nasakyan namin nu’ng Tuesday night na ang mag-amang Edu Manzano at Luis Manzano ang nagmamay-ari nito?
Kung true man ito, talagang bigtime ang mag-ama, ha! Dahil bukod sa kanilang magandang respective showbiz career, nakapagpundar pa sila ng taxi business na may tatlong taon na raw, ayon pa sa driver. Patunay na marunong silang humawak ng kinikita nila at alam nila kung saan i-invest. May iba pa kaya silang negosyo bukod dito?
S’yempre, tinanong namin sa driver kung nakikita ba nila ang kanilang mga among sina Doods at Luis at kung kumusta naman ang dalawa sa kanilang mga empleyado. “Oo, nakikita namin sila at mababait. ‘Yun lang mga nagpapatakbo ng negosyo nila ang hindi (mabait). Gusto nga naming iparating sa kanila ‘yung problema namin sa mga nangangasiwa ng kumpanya nila, eh,” litanya ng driver sa amin.
Sa ngayon daw ay may higit-kumulang sa 70 units na ang taxi na pagmamay-ari ng mag-ama. Madadagdagan pa raw ang bilang nito ng mga 70 more units sa mga susunod na buwan na ang ibig sabihin ay aabot na sa 140 taxi units, dahil makikisosyo na rin umano ang Star for All Seasons at mommy ni Luis na si Vilma Santos.
Ang ikinagulat lang namin, mabilis ang takbo ng metro nu’ng taxi na ‘yon considering na zero (0) ang last digit ng plate number nito na ang ibig sabihin ay hindi pa calibrated. Dahil sa pagkakaalam namin, May pa ang scheduled calibration sa Land Transportation Office (LTO) ng metro ng mga taxi with plate numbers ending with five (5) and zero (0).
Mula Aurora Blvd. corner EDSA hanggang sa amin sa Mandaluyong, medyo malapit sa Boni Ave. corner EDSA, ay inabot kasi agad ang metro ng P150! Kaloka! Kaya sana ay bigyang-pansin ito nina Edu at Luis kung totoo nga talagang sila ang nagmamay-ari ng nasabing taxi.

BIGLAANG NA-CONFINE SA St. Luke’s Hospital sa Global City sa Taguig si Angel Locsin last Wednesday afternoon matapos magkaroon ito ng allergy sa katawan.
As of writing this, hindi pa malinaw sa amin kung saan nakuha ng magandang aktres ang allergy. Marahil sa nakain nito o sa sobrang alikabok sa lugar, kung saan ito nagte-taping o nagshu-shooting. Bukod d’yan, sobra rin ang puyat at pagod ni Angel, dahil sa kanyang kaliwa’t kanang trabaho. Pero patuloy na kinakaya nito ang lahat.

ADVERTISING

Kung tapos nang mag-taping si John  Lloyd  Cruz  para  sa  Imortal, kaya nakalipad na ito sa Amerika kasama ang kanyang girlfriend na si Shaina Magdayao para sa Star Magic World Tour, si Angel naman ay may mga natitirang eksena pa raw na kailangang tapusin para sa huling tatlong linggo ng kanilang teleserye. May TV commercial shoots din si Angel at kasalukuyang tinatapos ang kanilang pelikula ni Aga Muhlach na In The Name Of Love sa Star Cinema.

Lumabas din daw ng ospital si Angel kahapon ng umaga, dahil may taping o shooting ito bago magtanghali. Kaya naman sana ay tuluyan nang nawala ang kanyang allergy, dahil back to work ito agad.  Kapag natapos ang lahat ng trabahong kailangan n’yang tapusin sa ngayon, nawa’y makapag-pahinga o makapag-bakasyon nang bonggang-bongga si Angel—with Phil?
Personal: Nakikiramay kami sa aming Tita na si Alice Simeon-Ong at sa kanyang mga anak at apo sa pagpanaw ng kanyang asawang si Louisito Ong (+) nu’ng Miyerkules ng madaling-araw. May his soul rest in peace.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING