Pia Guanio, may ipinalit na kay Bossing Vic Sotto?!

ADVERTISING

Pia Guanio, may ipinalit na kay Bossing Vic Sotto?!IKINUWENTO NI OGIE Alcasid sa Startalk na bumaha ng luha sa airport nang bumalik na sa Australia sina Michelle Van Eimeren, ang asawa nitong si Mark Murrow, at ang anak nina Ogie at Michelle na sina Leila at Sarah.

Ilang beses nang sinasabi ni Ogie na iisang pamilya lang sila nina Michelle at sa pagpapakasal nila ni Regine Velasquez, lumaki lang daw ang pamilya nila at hindi lang daw sila ni Michelle ang magulang nina Leila at Sarah kundi pati na rin sina Mark at Regine.

ADVERTISING

Sabi nga uli ni Ogie, maaring weird daw ito sa tingin ng iba na naging close silang mag-ex-dyowa, pero ganu’n daw ang turingan nila ngayon, at lalo silang naging close na parang magkapatid na raw ang tinginan nila ni Michelle.

Kaya nu’ng pagkatapos nga ng kasal, nagbakasyon sila sa Bohol dahil gusto rin nilang ma-enjoy nina Michelle at Mark, pati ng mga anak nila ang ganda ng Pilipinas.

Maganda ang bonding nila sa Bohol kaya nu’ng bumalik na sila ng Australia, malungkot daw sila lalo na si Ogie na napaka-emotional nang ihinatid na sila.

ADVERTISING

Nagkaiyakan nga raw sina Regine at Michelle dahil malaki ang pasasalamat ng Songbird sa lahat na hirap ni Michelle nu’ng kasal nila.

May nakaplano na nga raw silang bakasyon sa Australia at sina Michelle naman ang mag-asikaso sa kanila roon.

Wish lang ngayon ng bagong kasal na sana makabuo na agad si Regine. Kung sakaling susuwertehin at mabuntis na si Regine, hindi na muna matutuloy ang honeymoon nila sa Positano, Italy. Pero kung wala pa naman, sa April daw nila itutuloy ang balak nilang honeymoon.

Nakiusap na pala si Ogie na huwag na raw gawing isyu ang ‘di pagsipot ni Sharon Cuneta sa kanilang kasal. Hindi pa pala sila nagkausap, pero ipinarating nga raw sa kanila na nagkaroon daw ng problema sa gown nito kaya hindi na ito natuloy.

Naintindihan naman daw nila ‘yun at nagpapasalamat pa rin sila kay Megastar dahil tinanggap ang alok nilang maging ninang sa kanilang kasal. Kahit hindi naman ito nakarating, okay lang daw sa kanila at wala raw isyu sa kanila ‘yun.

MAAYOS ANG PAGHAHARAP namin nina Nadia Montenegro at Mark Herras sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Ilang beses na rin namang nag-sorry si Mark at nangako na siyang magbabago na ito at magpapaka-professional na siya kaya okay na ‘yun. Sinabi ko namang hindi ko na siya bibitawan bilang isa sa mga talents ko.

Pagkatapos ng interview na ‘yun, nagdesisyon na raw si Nadia na didistansiya muna siya at baka matuloy na raw ang bakasyon niya sa Amerika. Doon na raw muna siya para magpalamig.

Ang pagkakaalam ko naman kasi riyan, medyo may tampo si Nadia kay Mark dahil hindi man lang daw siya ipinaglaban sa interbyung ‘yun.

Ewan ko lang kung ano pa ang drama nila, pero ‘yun ang huli niyang desisyon para lumamig na rin daw ang isyu.

PINAG-UUSAPAN PALA NGAYON ang tungkol sa non-showbiz boyfriend ni Pia Guanio.

Lalong lumaki ito dahil may nakakita raw kay Pia sa Shanghai kasama itong bagong boyfriend niya na Steve daw ang pangalan.

Wala pang sagot si Pia tungkol dito, at si Vic Sotto naman ay wala ring sagot dahil ang lagi na lang niyang sinasabi ay mas mabuting si Pia na lang ang tanungin.

Siguro, pareho naman silang nakapag-move on na dahil kaagad na nakakita ng kapalit si Pia.

Ang latest namang naririnig ko ngayon, mukhang nagkadebelopan na rin naman sina Gwen Zamora at Bossing Vic, pero deny rin sila.

Abangan na lang natin kung sino sa kanila ang aamin.

Pia Guanio, may ipinalit na kay Bossing Vic Sotto?! Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING