Pia Guanio doesn’t have plan of leaving Eat… Bulaga!

Pia Guanio doesn’t have plan of leaving Eat… Bulaga!

Pia Guanio doesn’t have plan of leaving Eat… Bulaga!TRUE NGA BANG gusto nang tsugihin ang beauty ni Pia Guanio sa Eat Bulaga?

Naghihintay na lang daw ang mga executive na nagpapatakbo sa show ng resignation ni Pia pero mukhang hindi ito mangyayari. Parang wala sa bokabularyo ni Pia ang mag-resign sa show.

Bakit naman gustong paalisin si Pia sa show? Well, out of delicadeza raw ay dapat nang mag-goodbye sa program ang TV host. Hindi nga naman daw kasing magandang tingnan na nasa show pa siya gayong break na sila ni Vic Sotto.

Alam na ng publiko na may bagong boyfriend na si Pia, si Steve Mago, kaya naman parang awkward na naroroon pa siya sa show which is also hosted by her ex-boyfriend Vic Sotto.

If you will recall, lahat ng naging girlfriend ni Vic na nasa show noon ay nagbabu after na matapos ang relasyon nila sa komedyante. Need we name names?

Maging kami man ay nagtataka kung bakit nga hindi pa umaalis sa show si Pia.

When we asked around, ang sabi sa amin ay may kontrata pa kasi ito. Well, tingnan na lang natin kung talagang lalayasan nga ni Pia ang Eat Bulaga kapag natapos ang kanyang kontrata.

 

THERE ARE ALWAYS two sides of the story, and this should hold true to Marian Rivera and Heart Evangelista’s rift. Ang nauna lang nalaman ng publiko ay ang pagtataray ng madir ni Heart kay Marian sa airport, bagay na itinanggi naman ni Mrs. Cecille Ongpauco sa presscon na ipinatawag para kay Heart.

What the public did not know ay ‘yung episode ni Heart with Marian while shooting Temptation Island which the public ought to know.

Ikinuwento ni Heart na dalawang beses siyang pinasok ni Marian sa kuwarto at sinabihan ng kung anu-ano.

“Ang nabalitaan ko, I think she was the last one to know about my project with Dingdong (Dantes). Doon na po nabago ang lahat. Dalawang beses niya akong pinasok sa kuwarto ko at nagkaroon po kami ng… sinigawan po niya ako. May mga nasabi siya sa akin na natakot po ako. May mga pagbabanta tulad na lang ng papatayin ako ng mga fans niya which is the reason why nagkaroon kami ng presscon (ngayon) dahil po na-trauma po ako sa mga nangyari,” kuwento ni Heart.

“Before she left the room, after no’ng mga sinabi niya sa akin na pagbabanta at pananakot, sinabi niya na babalik siya uli kapag hindi ko po naayos ang sitwasyon.”

Kung totoong nagalit si Marian dahil si Heart ang next leading lady ni Dingdong Dantes, who would want to work with Dingdong kung may possibility na aawayin din siya ng girlfriend nito?

 

LESSON LEARNED PARA kay Jaime A-guilera ang pagkakaiwan niya ng six pairs of shoes ni Ruffa Gutierrez kaya naman super ingat na ito ngayon.

Naaliw kami sa pinost ni Ruffa kung paano na mag-ingat ang kanyang assistant.

“My assistant has learned his lesson! After sending him on errands, he presented to me a taxi receipt, serial #, taxi drivers cel #! Kaloka!”

Si @bern06c naman ay nag-comment ng ganito sa Twitter, “I think there are much more important news than @iloveruffag’s returned shoes”.

Sinagot naman ito ni Ruffa nang bonggang-bongga.

“True! BUT honey… its not abt my shoes, its abt how honest the taxi driver was! With all the bad news happening around us, good news is always refreshing!”

Oo nga naman. Tama si Ruffa do’n.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas