Pia Guanio, ‘di kapani-paniwala ang rason sa pagre-resign sa 24 Oras

Pia Guanio, ‘di kapani-paniwala ang rason sa pagre-resign sa 24 Oras

Pia-GuanioPARDON THIS chika for a minute, pero in question para sa amin ang resignation ni Pia Guanio as segment host of GMA’s 24 Oras for the past 11 years last May 29.

Her reason for leaving: she wanted to spend more time with her family.

Kung kapani-paniwala ang dahilan niya, Pia should have likewise resigned from Eat Bulaga where she spends longer hours at daytime including Saturdays, thus eating up her supposed family time as opposed to her Chika Minute stint na sa loob ng labing-isang taon ay hindi naman perfect ang kanyang attendance.

Add to this, gasino lang ba ang oras na iginugugol niya sa kanyang showbiz segment kumpara sa major exposure niya sa Eat Bulaga scattered anywhere within the show? 24 Oras airing at 6:30 p.m., Pia can come rushing to the news studio in the middle of the program.

Papasadahan din lang naman niya ang kanyang spiels without much effort. All that Pia just needs to do as a showbiz news anchor is to improve her fashion sense because after all, she’s not exactly a good dresser.

Kung tutuusin pa nga, Pia should have left Eat Bulaga a long time ago por delicadeza mula noong mag-break sila ni Vic Sotto at nakatagpo siya ng bagong nobyo until she gave birth. Aber, who among Vic’s exes (Coney Reyes, Christine Jacob, to name a few) stayed on after their breakup with him?

Eklay nga ni Pia, gusto niyang maglaan ng oras bilang asawa at ina to her family. So, why not give up Eat Bulaga when a mother’s and a wife’s daily tasks are normally at daytime, such as seeing her daughter off to school in the morning making sure na nakapag-almusal na ito?

Duda tuloy namin, mas may malalim na dahilan ang nasa likod ng pagbibitiw ni Pia… would Gretchen Fullido of ABS-CBN’s TV Patrol know?

 

LITERAL NA domestic issue ang tatalakaying paksa sa episode this Sunday ng Ismol Family.

Kung hindi pa nabagsakan ng kisame ay nungkang pumayag ang makunat na si Mama A na ipakumpuni ang kanilang bahay. Si Bernie ang natoka na humanap ng karpintero. Pero umandar na naman ang kabaklaan niya.

Isang guwapo kasing karpintero ang napili niya, si Jan Carpenter. Sa kalauna’y sakit ng ulo si Jan na bukod sa makupad magtrabaho ay walang inatupag kundi mag-selfie at spray sa mukha. Makatagal kaya sila sa karpinterong ito?

Hindi lang ‘yan, may lihim pala si Jan Carpenter na pilit tutuklasin ng Ismol Family.
Samantala, Yumi puts Ethan to a test, na kapag nagtagumpay ang binata ay magiging magdyowa na sila. Ano kayang challenge ‘yon?
Ang mga kasagutan sa tanong na ‘yan, abangan ngayong Linggo sa Ismol Family!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III