Phoemela Barranda, wala nang kredibilidad

ADVERTISING

Phoemela Barranda, wala nang kredibilidad

Phoemela-BarandaNGAYON AY nalalagay sa balag ng alanganin ang krediblidad ni Phoemela Barranda sa ginawang pagpapa-interview nito sa TV patrol na wala raw katotohanan na dinuro siya ni Anne Curtis at pinagsalitaaan ng sikat na linyang, “I can buy you, your friends, I can buy this club”,  sa nangyaring gulo sa kanila sa Prive Bar sa The Fort halos isang dalawang na ang nakararaan.

Ayon sa lumabas na panayam kay JR Isaac na isa raw sa sinampal ni Anne nang gabing iyon kasama sina Phoemela, John Lloyd Cruz at isang Leah na taga-Globe, galit na galit na lumabas ang aktres dahil may nagba-bang daw ng pintuan ng CR habang nasa loob siya at dito ay pinagsasampal silang apat.

Parehong taga-Viva sina Anne at Phoemela at bilang isa sa prime talent nila ay alam namin kung paano dina-damage control ng Viva ang issue na ito sa actress/ TV host kahit pa nga masira ang krediblidad at lumabas na sinungaling si Phoem sa mga sinasabi niya ngayon.

Nag-komento nga si Sweet John Lapuz sa nilabas na article ng Pep, na dine-deny niya ang nangyari, na hindi na siya maniniwala pa kay Phoem. Hindi naisip ng TV host na mismong si Anne ang umamin sa Twitter account niya na totoo ang halos lahat ng laman ng sinabi ni JR Isaac sa Pep. Humingi na siya ng tawad sa mga nagawan niyang mali at kung naging ganito man ang aksyon niyang ito ay dahil may nag-udyok lang sa kanya na magalit nang husto, pero hindi na niya ito pangangalanan kung sino.

ADVERTISING

Nagkabati na sina Anne at JM Rodriguez na co-owner ng Prive Bar. Klinaro na ni Jake Cuenca sa mga tweet niya na hindi niya ginawa ang mag-bang ng pinto ng CR, pero ‘di niya ipinagkaila na nasa Prive Bar siya ng gabing iyon at may kausap na kaibigan sa baba, pinaninindigan naman ni JR Isaac ang kanyang naging panayam sa Pep, at ayon dito ay wala siyang dapat na baguhin pa, nagsalita na nga si Phoem at pilit nililinis ang pangalan ni Anne ngayon. Ang hinihintay na lang ng tao ay kung magsasalita ba si John Lloyd sa isyu, kung saan nadudungisan ang pangalan ng aktor dahil sa iba’t ibang bersyon ng kuwento na naglalabasan sa ngayon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING