Philip Salvador got mad with a movie reporter!

ADVERTISING

Philip Salvador got mad with a movie reporter!

Philip Salvador got mad with a movie reporter!MATAGAL NA NAMING kilala si Philip Salvador at ni minsan ay hindi namin nakitang nagalit ito. Kasi sa totoo lang, kung meron mang malambing at laging masayang kausap ay si Ipe iyon. Kaya laking-gulat namin nang mapansin naming nagtaas ito ng boses habang kinakausap siya ng ilang TV crew sa awards night ng Enpress.

ADVERTISING

Ang dahilan, hindi pala nagustuhan ng aktor ang ilang tanong ng isang TV crew na sa simula pa lang, pinaunahan na ng aktor na huwag pag-uusapan ang nasabing maselang topic.

“Kilala n’yo ako, mabait ako pero hindi naman yata tama ‘yung ginawa niya. Wala siyang respeto!” Sunud-sunod na sabi ni Kuya Ipe, na amin namang naintindihan.

Sa totoo lang, sumasagot si Kuya Ipe, gaano man kainit at kasensitibo ang isang topic, pero in a nice way dapat iyon sabihin o itanong ng isang reporter. Pero hindi naman namin sinasabing mali ang pagkakatanong kay Kuya Ipe, kaya ito nag-react.

ADVERTISING

Kumbaga, siguro, iniiwasan lang ni Kuya Ipe ‘yung mga bagay na alam niyang hindi makabubuti sa bawat kampo. Ayaw na niya kasing pagpiyestahan pa ng mga tao sina Joshua at Kris Aquino, dahil tahimik at maayos na ang lahat.

Sa tingin namin, wala namang intensiyon ang reporter na nagtanong kay Philip na bad tripin ang aktor, nagkataon lang na hindi nito nagustuhan ang pagkakatanong.

Nang mag-react si Kuya Ipe, si Malou Fagar ang nakipag-usap sa nasabing reporter. Knowing Malou, Miss Friendship ito sa movie press, na siguro kung wala si Miss Fagar nang gabing iyon, lalong ‘nagliyab’ sa galit si Kuya Ipe na first time naming nakitang nabuwisit. Tsuk!

NILINAW NI ANGELICA Panganiban na isinarado na niya ang Twitter account niya, matapos siyang maeskandalo at maintriga. “Tama na, ayoko na. Sa tingin ko, hindi na siya friendly kaya stop na muna ang pagtu-twit ko. Fee-ling ko, hindi na maganda.”

Ayon kay Angelica hindi na niya itutuloy ang pagdedemanda du’n sa taong nagsalita sa kanya nang hindi maganda. “Paano ko pa siya maidedemanda, eh wala na siya. Isinara na niya ang kanyang account, kaya sino pa ang idedemanda ko, ‘di ba?”

Samantala inamin ni Angelica na sa ngayon ay nasa Boracay ang kanyang boyfriend na si Derek Ramsay. “Nasa Boracay siya ngayon kaya hindi ko siya kasama at naku, nakakaloka na, ha, ‘pag may lumabas na namang intriga na may babae siya sa Bora like du’n sa Dumaguete. Hahaha!

Ayon kay Angelica, in five years of relationship, kilalang-kilala na niya si Derek. “Kasal? Naku! Huwag muna. Hindi namin iniisip iyan basta ang mahalaga, masaya kami ni Derek sa kung anumang meron kami ngayon.”

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING