Phil Younghusband, Skipped Team’s Victory Party To Date Angel Locsin

ADVERTISING

Parazzismiz

Phil Younghusband, Skipped Team’s Victory Party To Date Angel LocsinINAMIN NI JAMES Younghusband sa isang interview sa kanya na may girlfriend na siya na ang name ay Fiona, isang football player, half-Pinay, half-British. Naikuwento ng magaling na player nung pagdating sa Pilipinas na sobrang na-miss niya ang girlfriend. He will spend daw time with her dahil matagal silang hindi nagkasama. Isang buwan daw ang kanilang bakasyon bago ang susunod na laban.

Hindi raw selosa ang girlfriend despite Azkals’ popularity. Tungkol naman kay phil na kanyang kapatid, nagpapagaling na ito at sana raw ay makapaglaro na sa susunod na competition. Mukhang inspired din itong si Phil kay Angel Locsin dahil nag karoon ng victory party ang grupo ng Azkals, pero hindi sumipot si Phil sa celebration. Ang nasagap naming balita, si Angel daw ang kasama nito nang mga oras na ‘yon!

BLIND ITEM: NANGANAK na pala ang isang sikat na sexy actress. Ang ama ng bata ay pinangalanan lang na ‘sperm donor’. Ayon sa source, nu’ng nanganak ito hindi kasama ang nakabuntis dito at puro kaibigan lang daw ang umaasikaso sa kanya.

TUMINTINDI ANG AWAYAN nina Angelica Jones at Illac Diaz. Sa isang panayam kay Angelica, matitinding rebelasyon ang pinakawalan nito. Ayon kay Angelica, “Pumunta ako sa Australia para mag-aral doon, gusto ni Illac na sumama sa Australia. Sinadya ko talaga na hindi siya isama, kasi alam ko na GF niya na si Julia Clarete. Ayokong makasakit, ayokong masaktan si Julia. Kung gusto kong sirain ang relasyon nila, ginawa ko ‘yan noon pa.”

ADVERTISING

Naikuwento rin ni Angelica na nagamit daw siya ni Illac. “Masakit, pero ayokong magbitaw ng salita na baka lumaki lang ang gulo. Tama nang murahin ako sa text, ‘wag lang akong bastusin. Masaya na ako sa pagiging single ko. Masaya na ako sa buhay ko.”

Sa isang panayam kay Illac, sinabi nito na sana ay matapos na ang gulo. Ang gusto na lang nito ay matapos na ang bottle project na nasimulan na dahil may deadline sila na kailangang sundin.

Parazzismiz
By Maica Tidila

ADVERTISING