Phil Younghusband says that he and Angel Locsin is in mutual understanding

ADVERTISING

Phil Younghusband says that he and Angel Locsin is in mutual understanding

Phil Younghusband says that he and Angel Locsin is in mutual understanding

ADVERTISING

HINDI NA MAITAGO ang namumuong love affair kina Angel Locsin at Phil Younghusband. Pilit mang ilihim ng actress ang totoong namamagitan sa kanila ng atleta marami ang nagpapatunay na mag-dyowa na nga ang dalawa. Very vocal si Phil sa tunay niyang saloobin sa dalaga. Proud pa nga itong maging girlfriend si Angel. Pati nga parents ng binata ay boto sa morenang actress para sa kani-lang anak.

Kung si Phil ay pinagsisigawan ang mutual understanding nila ni Angel. Iba naman ang drama ng dalaga, nasa process pa raw sila na getting to know each other kahit alam nating may something between them. Kahit hindi aminin, sila na nga ni Phil, kapansin-pansin ang body language ng dalawa. Kinikilig si Angel tuwing ang sentro ng usapan ay ang binata. Sumasama na nga itong makipag-date mag-isa at napagkikita sa mga gimikan na magka-holding hands.

Minsan nga, nakunan pa raw ng video` ng camera ni Gretchen Fullido si Angel na pinupunasan nito ng pawis ang Azkals player na si Phil. Nagalit daw ang aktres sa TV broadcaster. Hindi nga raw ito nagsalita pero nakita ang facial reaction ni Angel na imbudo ito sa newscaster. Hindi lang naman minsan nakitang very sweet sila sa isa’t isa, nagbubulungan na halos magdikit na ang kanilang labi in public places.

ADVERTISING

Marami ang nakakakita, madalas sunduin at ihatid ni Phil si Angel sa kanyang bahay. Katunayan nga, very proud na ikinuwento pa ni Angel na ipinakilala na niya ang atleta sa kanyang tatay. Okey naman daw ang paghaharap ng dalawa kaya walang magiging problema sa kanilang relasyon. Tuloy, dumarami ang fans nila lalo na nang magsama sila sa isang TV commercial, perfect tandem.

 

HINDI MAN NAGING matagumpay ang political career ni Atty. Adel Tamano, this time, sasabak naman siya bilang anchor ng bagong current affairs program na Tamano Perspective ng ANC. Sa nasabing news channel, susuriin niya ang iba’t ibang news stories sa ilalim ng iisang tema tulad ng nasyonalismo, family values at social media. Magbibigay siya ng kanyang opinyon sa bawat kuwento.

Nakahanda ba sa intriga si Atty. Adel sa mga ibabato sa kanya? “Actually, during the campaign, lahat ng intriga, naitapon na sa akin. Nand’yan na bakla raw ako, kung hindi bakla, manyakis daw ako. Hindi raw ako Muslim, gan’yan. Nadaanan ko na ‘yan lahat so, honestly, parang when you are secured in yourself and you know who you really are, I don’t care. People can say all the bad things about you if they want. In fact, people don’t see the good things about you if they want. It doesn’t affect me, because I know who I am. So, if it’s an issue of handa ba ako roon? I don’t consider myself a celebrity but when I do go out for example, sa mall sanay na rin akong may nagpapa-picture sa akin, all that stuff. I know how it feels na wala kang privacy, parang carry ko naman,” say niya.

Pangarap ni Atty. Adel na ma-interivew si President Noynoy Aquino kung bibigyan siya ng pagkakataon. Gusto rin niyang mag-guest si Congw. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang show. “I love to interview Gloria. I’ll ask her, bakit ka nag-sorry? Ano ‘yung reason bakit ka nag-sorry? Nag-sorry ka, para saan? That will be a really interesting interview. Sa showbiz, Robin Padilla, partly because pareho kaming Muslim. I would like to give him the opportunity to share ‘yung pagka-Muslim niya. There are certain question na hindi naitatanong. Ako as a Muslim, I think I can get, makukuha ko sa kanya what he want to say. I met him actually a number of times. He’s one of a person I really admire very much. Not because his a big celebrity. Nadapa siya at tumayo siya ulit. That’s what make him a star for me. It’s not because of his TV show or movies. I love to interview him and I will make it happen,” pahayag ni Atty. Adel.

Binanggit din niya ang pa-ngalan ni Sharon Cuneta na gusto niyang ma-interview for the show. “Si Sharon, because she’s the Megastar. Well, I grew-up watching her movies. Honestly, how is it married to a politician? What are the challenges?” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING