PGT winner Roel Manlangit, ‘di deserving?!

ADVERTISING

PGT winner Roel Manlangit, ‘di deserving?!

PGT winner Roel Manlangit, ‘di deserving?!SIKAT PA rin naman pala si Charice. Marami pa rin pala ang interesadog malaman ang latest sa kanya sa Hollywood.

Hollywood celebrity blogger Perez Hilton posted an article about her, praising her on her recent show of audacity when she came out of the closet and admitted na isa siyang tomboy.

You go, gurl!” sabi ni Perez, adding, “Nothing like being out and proud!

“It can be damn hard to do, but we’re happy to hear former Glee star,Charice, has come out of the closet. And we bet she’s feeling seriously relieved to now be living her life her way,” sabi pa ng popular blogger.

ADVERTISING

Napansin din pala ni Perez na kumuha ng timing si Charice para isapubliko ang kanyang paglantad ng tunay na pagkatao.

Apparently Charice used her 21st birthday party as a coming out party as well! Talk about a milestone celebration!

Teka, hindi ba ang age ng coming out ng isang lalaki ay 21. So, talagang lalaking-lalaki ang peg ni Charice pati sa oras ng kanyang pag-amin, huh!

Anyway, suportado ni Perez ang pag-amin ni Charice na isa siyang lesbian.

We’re so happy Charice has been brave enough to come out publicly like this, and we have no doubt it will encourage  many others to have the same strength in their own lives,” sabi pa ni Perez.

Charice’s tell-all interview sa The Buzz was also featured sa Hollywood website na E! Online.

PGT winner Roel Manlangit, ‘di deserving?!There was even a clip of her sint sa Glee kung saan kasama niya si Lea Michele.

With that, talagang masasabing hindi pa laos ang beauty ni Charice. Meron pa ring interest ang Hollywood sa kanya.

Having said that, ano kay ang magiging outcome ng mga concert niya sa abroad sa mga susunod na buwan? Paano kaya siya mananamit kapag siya ay nagku-concert? At anong klaseng album kaya ang gagawin niya now that she’s come out in the open na isang tomboy?

 

SOME DISAPPOINTED fans of Pilipinas Got Talent went ballistic nang itinanghal na grand winner si Roel Manlangit.

Ang hinaing nila ay wala na bang makuhang winner dahil isang singer na naman ang nagwagi. Sunud-sunod kasing singers ang nagwagi sa PGT.

“Un ibang singers nga nawawala na sa kadamihan ng singers sa aten bukod pa sa mga sandamakmak na singing contest, taz dito singers pa din ang nanalo!” one disappointed guy lamented.

KAPAL NG PAG MUMUKHA NYANG BATANG YAN… NANALO DAHIL SA AWA NG KRIS AQUINO… ANONG KLASING PGT YAN… SAGIP KAPAMILYA TALENT… PATI TALENT SHOW PINULITIKA NI KRIS AQUINO,” matary namang pahayag ng isang guy.

Pero kung merong ayaw kay Roel na manalo ay meron din namang nagsasabing deserving siya sa karangalan.

Well-chosen. He deserves it. Hnd na nya kasalanang hnd nyo gnawa ang part nyo sa pagboto ng kung sino man ang bet nyo. You guys could have done better but you didn’t. Who’s fault? Yours!” one Roel fan said.

Magng msaya nlng tau sa tagumpay ng iba..isa pa mahirap yung pnag daanan nya bago nanalo …d nmn yta pipili mga judges ng mananalo kung d deserving db….magng hapi nlng po tau pra sa iba,” segunda naman ng isa pa.

 

HOW TRUE na dating sexy star and model ang ka-look-alike ni Christopher de Leon na si Jonathan Garcia na itinanghal na Ultimate Kalokalike sa look-alike contest grand finals ng It’s Showtime?

Ang chika, dating Jon Romano raw ang screen name ni Jonathan when he was modeling.

When we surfed the web ay na-sight namin ang sexy photos ni Jon. Siya nga kaya si Jonathan Garcia na nagwagi sa It’s Showtime?

Anyway, wala na namang magagawa ang mga bitter sa pagkapanalo ni Jonathan. He just went home richer by P300,000 for being the look-alike ni Boyet de Leon.

Incidentally, ang Ultimate Kalokalike Grand Finals pala ang highest rating episode ng It’s Showtime. Base sa data na ini-release ng by Kantar Media ay nakakuha ito ng 26.8% national ratings.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING