Personalized na pang-regalo ngayong Pasko

ADVERTISING

Personalized na pang-regalo ngayong Pasko

MAY PANREGALO ka na ba sa iyong pamilya? Kung wala pa ay i–try natin ang mga personalized na mga panregalo na siguradong matutuwa ang ating mga reregaluhan.

ADVERTISING

I-try ang personalized mug ng Hue Love prints na puwedeng-puwede kahit kanino lalo na kina lola’t lolo at mama’t papa na puwede nilang gamitin everyday, lalo na tuwing umaga para magkape. Sa halagang P150 ay may mug ka na at personalized pa na puwede mong ilagay ang mga message mo o kaya pangalan ng pagbibigyan mo. Mayroon din silang personalized Bag Tag na sa halagang P60 ay puwede mo nang ilagay ang pangalan mo o message o kahit ano ang gusto n’yo para sa pagbibigyan n’yo.

Kung ang iyong kaibigan o iyong kapatid ay mahilig magdala ng maraming accessories ay puwedeng-puwede sa kanyang iregalo itong Jewelry Roll ng Pink Label. Sa presyong P390 ay mayroon ka nang Jewelry roll o isang organizer bag kung saan puwede mong ilagay ang mga accessories mo at natitiklop nang paikot itong organizer upang madali lamang siyang bitbitin. Mayroon ding Hanging Organizer na puwede ring paglagyan ng accessories tulad ng mga hikaw, bracelet, watch, boler at iba’t iba pang klase ng mga accessories. Sa halagang P600 ay may hanging Organizer ka na, medyo malaki-laki ang P600 pero okay lang ‘yan, mapangiti mo lang ang reregaluhan mo nito ay sulit na sulit ang ibinayad mo.

Maaari rin nating ipangregalo ang Sideway Nameplate Necklace na gawa ni Elena Bautista made from silver plated in yellow gold na materials at ang price naman ay batay sa dami ng letra ng pangalan na ating ipapagawa. Ang pagpagawa ng mga pangalan ay maraming pagpipilian na fonts. Meron din na maaaring ipagawa na scrabble bracelet. Hindi lang necklace at bracelet ang mayroon sila, mayroon din silang Cube bangle, at Be Spoke shoe clips na maaaring ang nakalagay ay first initial ng pangalan mo.

ADVERTISING

Mahilig ba sa bag ang iyong kaibigan o kapatid at iba pang kamag-anak? Puwede nating ipangregalo ang Hold All Bag mula rin sa Pink Label. Tamang-tama itong Hold All Bag na pangregalo dahil hindi lang ito basta-basta ordinaryong bag, itong bag na ito ay maaaring gawing Laptop bag, diaper bag at weekend bag. Itong bag na ito ay may iba’t ibang kulay tulad ng yellow, purple, pink, green, beige, at black sa presyong P990 ay sulit dahil mapakikinabangan talaga ito nang sobra ng ating pagbibigyan.

O kaya mahilig ang pagbibigyan mo sa arts? Puwede nating ipangregalo ang art na gawa sa Calligraphy at Watercolor ni Jaycie Transeco-Flores, isang musician, na gumagawa ng customize na calligraphy at watercolor gamit ang iba’t ibang techniques upang kamangha-mangha ang art sa isang quote, message, o pangalan na gagawin. Lahat ng ito ay sa presyong P1,500 pataas.

Ito ang mga ilan sa mga bagay na puwede nating iregalo sa ating mga kaibigan at pamilya. Marami pa ang mga iba’t ibang personalize o customize na maaaring ipangregalo kaya kahit ano pa ‘yan basta galing sa puso ang ating pagbibigay ay sulit na sulit naman talaga lalo na kapag ang ating mga pinagbibigyan ay ating napasasaya.

 

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING