Pelikulang ‘Woke Up Like This’ nina Vhong at Lovi, wagi sa takilya!

ADVERTISING

Pelikulang 'Woke Up Like This' nina Vhong at Lovi, wagi sa takilya!

Pelikulang 'Woke Up Like This' nina Vhong at Lovi, wagi sa takilya!
Vhong Navarro with Yana Asistio and Cora Waddell

SA MGA unang nakapanood ng ”Woke Up Like This”, last Monday sa red carpet premiere ng pelikula nina Vhong Navarro at Lovi Poe, ang lahat ay nagtatawanan. Happy sila sa laugh trip movie.

 
Sa katunayan, SRO screening ang naturang pagpapalabas noong Lunes na sa naging reaction ng mga nanood, no doubt na magiging box-office hit ang pelikula.
 
Noong first day of showing last Wednesday, August 23, naka-5 Million sa gross sales ang WULT (Woke Up Like This) at itong weekend naman (Saturday and Sunday) ay naka-P25 million sa takilya ang pelikula ng bagong comic duo.
 
Hindi ako magtataka na positibo ang resulta sa takilya at sa mga reviews ng mga nakapanood dahil tunay naman na nakakatawa ang pelikula ni Direk Joel Ferrer na produced ng Regal Films.
 
Yesterday, Saturday ay nag-theater tour sina Vhong and co-stars Cora Waddell and Yana Asistio sa SM North EDSA at Trinoma para personal na pasalamatan ang mga nanood at tagasuporta ng kanilang pelikula.
 
Pelikulang 'Woke Up Like This' nina Vhong at Lovi, wagi sa takilya!
Woke Up Like This cast Cora Waddell, Vhong Navarro and Yana Asistio visiting cinemas

Sayang at wala si Lovi at hindi nakasama sa personal nilang pasasalamat.

 
Maging si Miss Roselle Monteverde of Regal Films, sa kanyang socmed (social media) account ngayong gabi (Sunday) ay nag-post ito ng congratulatory message.
 
Sa menshe ni Miss Roselle: ”Congrats to the cast, staff and the whole team of #WokeUpLikeThisMovie because officially it’s a blockbuster! Thank you sa mga natuwa sa bagong tandem nina Vhong Navarro at Lovi Poe with Cora Waddell, Alyanna Asistio, Dione Monsato, Joey Marquez, Bayani Agbayani, Raikko Mateo, Lou Veloso, Hyubs Azarcon, Mitoy Yonting…to Direk Joel Ferrer!”
 
Mula sa amin, congratulations to the cast and Regal Films.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING