Pelikula nina Vice Ganda at Daniel Padilla; Ai-Ai delas Alas, malabo nang matuloy

ADVERTISING

Pelikula nina Vice Ganda at Daniel Padilla; Ai-Ai delas Alas, malabo nang matuloy

Pelikula nina Vice Ganda at Daniel Padilla; Ai-Ai delas Alas, malabo nang matuloy Pelikula nina Vice Ganda at Daniel Padilla; Ai-Ai delas Alas, malabo nang matuloy Pelikula nina Vice Ganda at Daniel Padilla; Ai-Ai delas Alas, malabo nang matuloyUpon the untimely death of Direk Wenn Deramas last Monday, dalawang malalaking film projects ang malabo nang matuloy: one an Ai-Ai delas Alas movie and the Star Cinema’s MMFF entry this year starring Vice Ganda and Daniel Padilla.

Kuwento ito ng isang kaibigang reporter who was among Mother Lily’s guests over dinner the night before Wenn passed away. Gusto kasi ng Regal matriarch na kunin si Wenn to direct Ai Ai in a movie. Aware ang producer sa namamagitang alitan kina Ai Ai at Wenn, and her intention was to resolve the conflict.

Meanwhile, as early as January ay inanunsiyo na ni Vice Ganda that he’s partnering again with Wenn on a festival project kasama si Daniel Padilla. Vice and Daniel would play siblings in the story.

Pero ngayong wala na si Wenn (may his soul rest in peace), in all likelihood ay possible pang ituloy ng Star Cinema ang Vice Ganda movie, but tapping someone else to helm it para surefire box-office hit ito is a tough problem to contend with.

ADVERTISING

 

‘ETO ANG mga kaabang-abang na tagpo this Sunday sa Ismol Family.

Pinariringgan na naman ni Mama A. si Jingo tungkol sa utang nito, kaya nakaiisip na itong mag-sideline to pay up his debts. Nakinig naman ang kapalaran kay Jingo nang magkita sa Oh Apol Bake & Bike shop si Bobong at ang ex-dyowa nitong si Suza, isang private nurse ng isang matandang mayaman.

Naghahanap si Suza ng mga ka-look-alike ng mga namatay collectively called “apat na Marias” ni Don Cielo. All four perished in an accident. Tuwang-tuwa si Suza nang makita si Jingo, dahil siya raw ang kamukhang-kamukha ng panganay na anak ni Don Cielo, na si Maria Isabel.

Pero ayaw pumayag ni Jingo. Ayaw niyang magpanggap na babaeng patay na, but wait, tumataginting na isang milyong piso ang katapat ng offer ni Suza.

Meanwhile, Ethan continues to get jealous with Yumi getting close with Nathan. Dumidiskarte na ito ng dalaw sa Oh Apol para tumulong doon kahit wala si Yumi.

Sinusundan silang dalawa ni Ethan para hulihin si Nathan kung magti-take advantage kay Yumi. In fairness, behaved naman si Nathan.

Samantala, narinig ni Mama A na nag-uusap sina Lora at Majay tungkol sa biglang pagkawala nina Jingo, Bobong, Lance, at Dello sa bahay. Duda ni Lora, may binabalak ang apat na ipaligpit si Mama A., lalo na si Lance na yamot na sa ka-OA-yan ni Mama A. So, ano’ng gagawin ni Mama A for fear of her life?

Abangan sa Ismol Family!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING