Pelikula nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, wagi ng Silver Bear sa Berlin Filmfest

ADVERTISING

Pelikula nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, wagi ng Silver Bear sa Berlin Filmfest

Pelikula nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, wagi ng Silver Bear sa Berlin FilmfestProud to be Filipinos ang buo cast ng pelikulang “Hele sa Hiwagang Hapis” na pinangungunahan nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual , Angel Aquino, Cherie Gil, Alessandra Di Rossi, Susan Africa, Bernardo Bernardo, at Joel Saracho

ADVERTISING

Ang pelikula nila ay nagwagi ng Silver Bear Alfred Bauer Prize sa 66th Berlin International Film Festival last Saturday.

Hindi man nasungkit ng pelikula ni Lav Diaz ang highest award at napunta sa pelikulang “Fire at Sea” na nag-uwi ng Golden Bear for Best Film na obra ni Gianfranco Rosi na isang documentary tungkol sa mga refugees sa isla ng Lampedusa.

Ang “Hele sa Hiwagang Hapis” ni Lav Diaz ay pangatlong Filipino film na lumahok for competition sa Berlin Film Festival, kung saan ang mga obra nina Ishmael Bernal (Himala) at Brillante Medoza (Captive) ay nauna nang sumali sa kompetisyon noon.

ADVERTISING

Pero sina Lloydie at Papa P, proud na proud sa ginawa nilang pelikula.

Sa lahat ng cast ng “Hele sa Hiwagang Hapis”, mabuhay kayo at ipinagmamalaki kayo ng mga Pilipino.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING