Pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinipilahan

Pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinipilahan

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaDUMAGSA ANG libo libong Kathniel fans sa pagsisimula ng pagpapalabas ng pelikulang Crazy Beautiful You na pinagbibidahan ng tinaguriang Teen Queen and Teen King na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla last February 25, 2015 sa lahat ng mga sinehan.
Saksi kami sa haba ng pila nito na mostly ay mga teenagers na hind magkamayaw sa katitili at kinikikig sa tuwing may mga sweet moments sina Kathryn at Daniel at naiiyak naman sa mga madadaramang eksena.
Kaya naman sa dami ng nanonood nito nu’ng first day ay nagdagdag pa ng ilang cinemas nu’ng second day sa mga sinehan na pagpapalabasan ng pelikula para maacomodate ang dami ng tao na gustong manood nito.
All in all, feel good ang pelikulang ito ng KathNiel at habang tumatagal ay mas humuhusay pang umarte sina Kathryn at Daniel. Habang ‘di naman matatawaran ang galing sa pagganap ng Grandslam Actress na si Lorna Tolentino at Gabby Concepcion.

Bea-BineneBea Binene may sikreto kaya mas fit and sexy

TURNING 18 na sa November ang isa sa prime artist ng GMA 7 na si Bea Binene kaya naman daw pumayag na itong mag-endorse ng isang slimming capsule, ang Very Fit, at ito raw ang reason kung bakit slim, fit, at sexy si Bea.
Tsika nga ni Bea na ayaw niyang mag-undergo ng medical help para pumayat at maging sexy. Mas gusto raw nito ang natural na proseso kaya naman daw nagti-take siya ng slimming capsule like Very Fit na effective naman daw sa kanya.
Dagdag pa nito na very affordable daw ang Very Fit at kayang-kaya ng bulsa ng bawat Filipino na gustong fit and sexy.

Joel-Cruz-and-KidsJoel Cruz, tutungo ng Vietnam kasama ang pamilya

BOUND TO Vietnam ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz para sa isang business trip at magsisilbing bakasyon na rin nito kasama ang kanyang Pamilya.
After nga ng magarbong selebrasyon ng kanyang kaarawan sa kanyang bagong gawang Mansion sa Sisa St., Sampaloc, Manila, sunud-sunod na trabaho kaagad ang inasikaso nito at isa na rito ang kanyang pagtungo sa Vietnam.
Pagkatapos nga ng trip nito sa Vietnam at sa pagbabalik nito ng Pilipinas ay sunud-sunod na meeting ang aasikasuhin nito kaugnay sa pagpapaunlad ng kanyang negosyong Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures.

Toto-VillarealBagong Infomercial ng MTRCB, mapapanood na

NAGKAROON NG launching ang Movie and Television Review and Classification Board ng kanilang 2015 TV and Film Infomercial at MOU signing between MTRCB and it’s various stakeholders (TV Networks & Theater Operators) last Monday, February 23, 2015, na ginanap sa MTRCB Conference Hall.
At ito’y sa pangunguna ni MTRCB Chairman Toto Villareal at ng iba pang pamunuan ng MTRCB. At ito ay para palaganapin pa ang pagbibigay ng inpormasyon at kaalaman sa mga manonood sa mga magandang adhikain ng MTRCB para sa tama at matalinong panonood ng mga Filipino.

John’s Point
by John Fontanilla