Pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, naka-P23 M sa unang araw

ADVERTISING

Pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, naka-P23 M sa unang araw

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla

Pumalo sa P23 million ang gross sa first day showing ng pelikulang “Barcelona: A Love Untold” na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa direksiyon ni Olivia Lamasan under Star Cinema.
Ito ang announcement ng Star Cinema Ad Prom head na si Mico del Rosario sa kanyang Instagram account kagabi, September 14, around 11 p.m.

Ipinakita sa pelikula ng KathNiel ang ganda ng Barcelona, Spain na kung saan halos 90% ng mga eksena ay roon kinunan. Sa romance drama na ito, ginampanan nila ang mga OFW na sina Mia at Ely na parehong kailangang ayusin ang kanilang mga buhay.

Isa nga sa inabangan ng mga nakapanood ng kanilang pelikula ang first kiss ng KathNiel sa sa big screen.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING