Pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, dinagdagan ng 80 sinehan

Kathryn Bernardo And Daniel Padilla
Kathryn Bernardo And Daniel Padilla

Dahil sa demands ng manonood, nadagdagan ng 80 sinehan ang “Barcelona: A Love Untold” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Kaya naman from original 240 cinemas, 320 cinemas na ang pinaglalabasan ng box-office hit movie ng KathNiel, na mas lumakas pa raw noong Sabado at Linggo mula nang magbukas ito sa mga sinehan.
Napakasipag nga ng KathNiel na dumalo sa lahat ng block screening ng kanilang very supportive fans, lalo na ng DJPTFC sa pangunguna ni Ate Elsa Soriano, na masasabi naming pinaka-supportive at maganda ang PR sa press people sa lahat ng supporters ng KathNiel.
At sa tagumpay ng “Barcelona: A Love Untold”, pasasalamat sa lahat ng kanilang tagahanga ang gustong iparating nina Kathryn at Daniel.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleAlex Gonzaga, natural ang pagka-komedyante
Next articleHeneral Luna, ‘di pinaporma ang mga kalaban sa 34th FAP’s Luna Awards; 10 sa 12 tropeo, hinakot

No posts to display